''You don't want to come with me tomorrow?''
Hindi ko na mabilang kung pang ilang tanong na ni Abel ito. Humarap ako sa kanya at tipid na ngumiti.
''Ikaw nalang, baka magalit parents mo kapag nakita nila ako'' mahina kong sabi. Wala naman talaga akong pakealam kung magalit man ang mga magulang niya o hindi. Si Abel ang pakikisamahan ko hindi sila kaya hindi ko sila obligado.
Ang akin lang ay natatakot ako na baka magkita kami ng Kuya ni Abel. Natatakot ako na malaman ni Abel ang totoo. Mali ang ginagawa ko kasi tinatago ko ang anak namin sa kanya pero anong magagawa ko? Natatakot ako na baka magalit siya sa akin.
Siya nalang ang meron ako, ayaw ko ng mawalan.
''My parents will not meddle with my life, I want you to meet them. Ano bang gagawin mo at hindi ka makakasama?'' tanong niya sa akin. Napakagat labi ako.
''Busy ako bukas sa school'' pagsisinungaling ko.
''But---''
Bumuntong hininga ako. ''Abel, ikaw nalang'' mahinahon kong sabi.
Hindi ako handang makita si Alton, natatakot ako.
''But if you go with me---''
''Ayaw ko nga'' may irita ko ng sabi. Naiinis na kasi ako, kahapon pa siya pilit ng pilit na sumama daw ako. Gusto ko naman talagang sumama eh, natatakot lang talaga ako.
Natatakot akong mawala siya.
''But---'' Ibinaba ko ng malakas ang kutsilyo sa counter. Naghihiwa kasi ako ng Ingredients at magluluto sana ako.
''Ayaw ko nga eh! Bakit ba ang kulit mo!?'' sigaw ko. Nakita kong natigilan si Abel, nanlaki ang mga mata sa gulat.
Napakagat labi ako, halos dumugo na ang labi ko sa pagkagat.
''Pasensiya na, pagod lang ako" sabi ko habang hinihinahon ang sarili.
Nakatitig lang siya habang magkasalubong ang kilay para bang hindi niya ako kilala.
Lumapit ako ng konti sa kanya para sana yakapin siya pero umatras siya. Para akong tinusok ng kutsilyo sa puso dahil sa ginawa niyang paglayo sa akin.
''A-Abel...'' suyo ko sa kanya.
''If you don't want to go because you're not sure about us then fine, but let me remind you, Ali. Akin ka na. Akin ka lang. Akin ka simula palang. Hindi ka na pwedeng umatras o sumuko sa ating dalawa kasi kapag ginawa mo iyon... Hinding-hindi na kita hahabulin kahit gaano pa kita kamahal...'' sabi niya at iniwan ako sa kusina.
Napaluhod ako sa sahig ng kusina at yumuko. Tumulo ang luha ko ng tuloy-tuloy. Ang sakit sa puso, hindi ako halos makahinga sa sakit.
Bagong ayos palang kami eh, isang buwan pa lang kami... Sana huwag naman... Sana bigyan pa ako ng mas mataas na oras para maihanda ang sarili ko... Hindi ko pa kaya...
Hindi ko na naabutan si Abel dahil umalis na siya papunta sa trabaho.
Matamlay akong pumasok sa paaralan. Hindi ko nga masimulan ang Thesis ko dahil sa mga problemang nagsisilabasan.
''Okay ka lang ba?'' tanong ni Sheryl habang naglalakad kami sa Hallway, papauwi na kasi kami. Buong araw akong naging matamlay at mukhang napansin iyon ni Sheryl.
''Oo'' sagot ko.
Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako kapagkuwan ay humarap sa kanya.
Nakakunot ang noo niya. ''You're not okay, Ali. I can see through your eyes that you're not okay. May problema ka ba?'' tanong niya sa akin.
Andami, napakadami, sa totoo lang...
BINABASA MO ANG
Abelino Pete Felixiano
Non-FictionTrigger Warning: Rape. [Male lead is a criminal.] Aaliyah Cher Juarez, a bratty poor girl. She's a beauty and brain. She has been just a happy girl with a big dream of being a photographer but it changes. Her world shift into a nightmare because of...