Kabanata 23

4.8K 122 13
                                    

Inayos ko ang bag ko at lumabas na ng room. Kasabay kong lumabas si Sheryl na chismis na kaagad ang dala.

''Hoy!'' tinapik niya ang balikat ko.

Pagod akong lumingon sa kanya. ''Ano?''

Pinagmasdan niya ako habang nakakunot ang noo ''Pagod ka ba?'' tanong niya sa akin.

Bumuntong hininga ako. ''Pagod na pagod'' halos hindi na marinig ang boses ko.

Sino ba namang hindi mapapagod eh, tatlong araw ko ng iniiwasan si Abel. Ewan ko ba kung anong gusto niyang mangyari, kung anong nasa isip niya. Kapag pumupunta ako sa Hospital para magbantay kay Tita ay palagi siyang pumapasok sa kwarto, tapos ang lamya pa ng rason. Kasi daw kailangan e-monitor si Tita per hour.

Gago ba siya?

Ano ba naman 'tong ama mo Tonton, ang harot kahit may fiancée na.

Napahinto ako sa paglalakad nang parang pumitik ang kung ano sa puso ko.

Sorry anak, hindi kita nabigyan ng buong pamilya at hinding-hindi kita mabibigyan...

''Okay ka lang ba?''

Napabalik ako sa huwisyo nang marinig ang boses ni Sheryl.

Tumingin ako sa kanya. Tumango ako ''Oo, okay lang'' sagot ko at tsaka bumalik sa paglalakad.

''May mga chismis bes!'' panimula niya sa panibagong chismis niya. 'Di yata to nauubusan ng chismis si Sheryl. Bigla ko tuloy na-miss sina Chelsy, Cynthia at Kyle. Kumusta na kaya sila? Graduate na kaya sila? Natupad na kaya nila lahat ng pangarap nila? Kung kaya ko lang umuwi sa amin para lang makita sila ay uuwi ako pero paano? Hindi ko kayang iwan kahit saglit lang ang anak ko... Ayaw kong maisip na baka umiiyak ang anak ko kung nasaan man siya dahil lang umalis ako.

''Ano na naman 'yan?'' tanong ko sa kanya. Patuloy parin kami sa paglabas ng campus habang itong kasama ko ay patuloy parin sa chismis niya.

''Dai, may bagong Doctor daw sa Isabela Hospital. Sabi nila gwapo daw! Shit naman kasi eh! Gusto ko siyang makita pero wala pa akong oras para pumunta sa Hospital, nakita ko na siya sa Instagram. Pota ang Hot dai! Nakakahulog panty!'' untag niya pa habang gumigewang sa kilig.

Nakangiwi akong tumingin sa kanya. Kailan pa kaya ako bibigyan ng kaibigang Maria Clara eh no? Puro Magdalena yata binibigay sa akin. ''Sino ba 'yan?'' tanong ko sa kanya.

Binangga-bangga niya ako na akala niya ay hindi ako naiirita. Eto talagang babaeng 'to. Walang pili sa lalaki basta gwapo!

''Si Doctor Abelino Pete Felixiano, iyong sikat na Doctor sa Manila? Di mo kilala? Kailangan ka ba pinanganak?'' May pagka sarkastiko ang boses niya.

Gaga! Wala pa nga akong sinasabi eh! Syempre kilala ko, ex ko 'yon. Hindi na ako magugulat tungkol sa kasikatan ni Abel, matagal ko ng alam. Simula noong lumabas ito ng kulungan ay nag-aral siya at gumraduate sa kursong medisina. Andali nga eh, nag-aral ba siya sa loob ng selda? Imposible...

''Hagard nga lang sis, may fiancee na'' dismayadong sabi niya. Ewan ko ba kung bakit bigla akong nalungkot at nadismaya, mukhang nadadamay ako sa babaeng 'to. Kailangan ko na talagang umalis dahil bibili pa ako ng susuotin ko para sa Auction. Bibili lang ako ng slit dress na bodycon, I need to earn. Ayaw ko ng mawalan at iyon ang rason ko kung bakit ko 'to ginagawa.

''Mauuna na ako Sheryl at may pupuntahan pa ako'' paalam ko. Hindi ko na pinakinggan ang sasabihin niya dahil lumabas na kaagad ako.

Lumabas ako ng University para mag-abang ng jeep pero bago pa ako makakita ng jeep ay may humarang na sa kalsada. Isang Mustang na kotse na color black. Napataas ang kilay ko nang huminto ito sa harapan ko.

Abelino Pete Felixiano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon