Simula

15.9K 276 32
                                    

''Ali! Gumising ka na, anong oras na ay nakahiga ka parin. Ikaw talaga na bata ka'' 

Narinig ko ang boses ni Lolo na talak ng talak. Pagod akong bumangon. Nakabukas ng kalahati ang aking mata. Ayaw ko talagang pumasok ngayon. Ang sakit pa ng paa ko dahil sa nangyari kahapon.

Kasalanan naman kasi ni Chelsy eh, tinulak ba naman ako papunta sa crush kong si Diego. Nadapa tuloy ako sa harap nito at napahiya tapos nakakita pa ako ng away dahil inasar ako. Principal Office ang kinahantungan ko kaya alam kong galit si Lolo sa akin ngayon.

''Lolo, pagod po ako'' sabi ko at papahiga ulit nang bigla niya akong pingutin patayo. Napasunod ako habang nakahawak sa tenga ko.

''Aray po, Lo. Ouchy, wait lang'' 

''Ikaw na bata ka, hindi ka manlang gumaya sa Kuya Abel mo!'' sermon niya sa akin.

Napaikot ang mata ko dahil sa gigil. Adopted lang naman ni Papa 'yang si Kuya Abel. Nakakainis kasi palaging pabida. Hindi pa yata ako napapanganak ay nandito na iyang Abel na 'yan. Hind ako sure. Mas matanda siya sa akin ng limang taon. Ayaw ko ngang kasama iyon dahil nagmumukha akong bata na hindi tumubo. Ang taas niya kasi tapos gwapo pa. Aaminin ko na kahit ayaw ko namang sabihin.

Gwapo siya at palagi siyang iniiyakan ng mga pokpok na classmate niya sa college. Iniiyakan nila ang lalaking wala namang sense of humor. Mga bobong babae. Hindi ba nila nahahalata na palagi lang iyan nakasimangot at seryoso. Kung ako sa kanila ay humanap sila ng ibang lalaki. Marami namang lalaking gwapo na may sense of humor diyan. Kagaya nalang ni Samuel na putang ina din. Palaging nang-aasar sa akin ng Buwan ng Dalaw. Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na iyon.

''10,20,30,40,50,60,70,80,90,100'' Hingal akong umalis sa chinese garter. Alam kong inis na sina Chelsy sa amin dahil palagi silang taya.

''Ali naman eh, palaruin mo naman kami'' sigaw niya sa akin. Binelatan ko lang siya. Problema ko ba kung magaling ako sa chinese garter. Hindi ako mag a-adjust.

''Galingan niyo kasi'' sabi ni Kyla na kalaro din namin.

''Hoy, Ali! Pinapauwi ka na ng Lolo mo, kapag hindi ka daw umuwi pupuntahan ka niya!'' sigaw sa akin ni Kyle na papalapit. Kapatid siya ni Kyla at matalik kong kaibigan.

''Mamaya na, naglalaro pa ako'' sigaw ko pabalik. Bumalik ako sa paglalaro.

Favorite ko talagang laro ang Chinese Garter. Kapag kasi naglalaro ako nito ay naaalala ko si Papa na pumanaw na. Mag-lilimang taon ng patay si Papa dahil sa sakit sa dugo. Nag-iisa nalang ako kasama si Lolo at si Kuya na adopted at nakakainis. Palagi akong hatid sundo sa paaralan. Grade 7 na ako at hindi ko na kailangan ng hatid. Nakakainis lang siyang kasama dahil palagi akong nala-late. Ang dami kasi niyang admirer na mga mukhang sirenang walang lahing kagandahan sa mukha.

Abelino Pete Felixiano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon