Kabanata 24

5K 141 15
                                        

From: Unknown

'I'll see you tonight, I'll visit your Tita for a check-up.'

Hindi na ako magtatanong kung sino ang nag text. Alam kong si Abel 'to. Saan kaya niya nakuha ang cellphone number ko? Wala akong naaalala na ibinigay ko sa kanya ang cellphone number ko.

Bumuntong hininga nalang ako at ibinalik ang cellphone ko sa sling bag. Dala-dala ko ang pinamili ko kanina kasama si Abel, naghiwalay din kasi kami kaagad pagdating namin dito sa Hospital dahil may pupuntahan daw siya. Gusto kong magtanong pero ayaw ko rin, ayaw kong isipan niya na gusto ko siyang panghimasukan kasi kung ganuon ay parang sinasabi ko narin na ayos lang na panghimasukan niya ako.

Pumasok ako ng Hospital at dumaritso sa Elevator. Pinindot ko ang 5th floor kung nasaan ang kwarto ni Tita. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Tita ang tungkol dito sa dala kong shopping bag. Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol sa pagsali ko sa Auction. Sasabihin ko nalang na pinabili ito ni Sheryl. Kilala na naman nila si Sheryl kasi nakapunta na ito sa amin isang beses noong hinatid nito ang Photo album ko na ipinass sa Prof namin.

Tumunog na ang Elevator hudyat na pabukas na ito. Lumabas kaagad ako pagbukas ng Elavator at nagpatuloy sa paglalakad. Walang katao-tao sa paligid. 

Ang tahimik kong paglalakad ay naudlot nang makita ko si Patricia na nakatayo sa harap ko, umaapoy ang mga mata sa inggit at galit. Bakit naman siya maiingit sa akin? Eh nasa kanya nga lahat ng gusto ko.

Naka roba ng pang Doctor si Patricia tapos ang dalawa niyang kamay ay nasa bulsa ng Roba niya. 

Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Not minding her.

''Where's Abel?'' tanong nito na nagpahinto sa akin. Nakatalikod ako sa kanya. 

''Hindi ko alam'' walang abog kong sabi pero hindi ito nakuntento.

''You're really one of a bitch, Ali. Akala mo hindi ko alam na magkasama kayo ni Abel?! Why?! Fucking your brother?'' .

Napatiim bagang ako kasabay ng pagkabuhay ng galit sa puso ko. 

''He's not my real brother'' pag-amin ko sa kanya. Baka hanggang ngayon ay akala niyang magkapatid kami ni Abel ngunit napaka imposible naman, sabi niya nga diba na kasama siya ni Abel sa limang taon na wala ako. So alam niya na.

''I know, I knew it for almost 10 years now'' wika niya na nagpaharap sa akin sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

Ngumisi siya nang makita ang gulat kong mukha ''I knew about it, Ali. It was our secret. He begged me before not to tell you and your Lolo. Matagal ko ng alam, and alam mo bang matagal nadin kaming pinagkasundo. Sampung taon na kaming mag Fiancee.'' pag-amin niya.

Lahat ng nangyari at sinabi ni Patricia sa nakaraan ay pumasok sa utak ko. Iyong tungkol sa pagkain noong nasa construction site kami... Napaka lakas ng tibok ng puso ko dahil sa galit. 

Ginawang tanga lang talaga ako ni Abel dati. Isang malakas na sampal iyon sa akin, masakit lalo na nalaman kong matagal na pala talaga silang nakatadhanang ikasal.

''You know nothing till now, ha? Well iyon ang totoo Ali so back off, tigilan mo na si Abel. Huwag mong isiksik ang sarili mo sa kanya besides his mother and I are so close, kahit anong gawin mo hindi ka mananalo sa akin'' pagmamalaki niya.

Itinago ko ang galit at sakit na nararamdaman. Tumingin ako sa kanya at ngumisi. Lumapit ako sa kanya at nilabanan ang mapagmalaki nitong mga tingin.

''Well sad to say... I'm not competing with you just for a man and I really don't care kung close ka sa pamilya niya. I don't like him, siya ang sunod ng sunod sa akin and by the way pakitali ng fiancé mo ha?'' Tinaasan niya ako ng kilay. Mas lumapit pa ako sa kanya. Nasa gilid na ako ng mukha niya, nasa may tenga.

Abelino Pete Felixiano Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon