Hindi ko alam kung saan ako papunta basta patuloy lang ako sa pagtakbo papalayo sa kubo. Kinuha kong oportunidad na tumakas habang tulog si Abel. Kahit masakit pa ang gitna ng mga hita ko ay pinilit ko paring makatakas. Dahil sa takot ay nakayanan kong tumakas.
Ayaw ko na siyang makita. Natatakot ako sa kanya. Gusto kong tumakas nalang at lumaya. Lumaya sa madilim na lugar kung nasaan ako ngayon. Wala akong mahingian ng tulong dahil wala namang katao-tao dito sa lugar na'to.
Umiiyak ako kasama ng takot na nararamdaman ko. Takot na makita ulit siya at takot para sa bukas na haharapin ko. Gusto kong umuwi at magsumbong pero nangunguna ang takot sa puso ko.
Nakapaa lang ako at suot ang damit kong nagusot dahil sa galit ni Abel. Hindi ko akalaing gagawin niya 'to sa akin. Hindi ito iyong pinangarap ko para sa amin, hindi ito iyong gusto kong mangyari sa amin pero wala na. Sinira niya na ako.
Nakita ko ang dalawang lalaki na papasok ng kotse. Kailangan ko ng tulong. Kailangan kong umalis sa lugar na 'to.
''Tulong po! Tulong po!'' sigaw ko. Nagsisimula na akong mahilo sa hindi ko alam na dahilan. ''Tulongan ni'yo po ako...'' pabulong kong sabi.
Naramdaman kong pababagsak na ang aking katawan hanggang sa mahimatay ako.
''Huwag Abel! Tama na!'' Pilit niya akong hinahalikan sa bawat parte ng katawan ko. Pilit ko siyang tinutulak pero hindi ko siya kaya dahil malakas siya.
''Akin ka lang, Ali'' Rinig kong sabi niya habang umuulos sa loob ko.
Huwag po... Maawa po kayo... ''Huwag po!''
''Inday! Inday Ay jusko nanaginip ka!'' May yumugyug sa akin kaya napamulat ako. Bumungad sa akin ang dalawang lalaking may make up sa mukha. Kinabahan kaagad ako kaya napabangon ako at agad na binalikwas ang kamay ng isang lalaki sa balikat ko.
''H-huwag p-po'' Tumulo ang luha ko at nagsimula ng manginig ang buo kong katawan. Natatakot ako na baka galawin din nila ako.
Nagtangkang lumapit ang isang lalaki sa akin kaya napasiksik ako sa pader. Nasa ibabaw ako ng kama kaya mas natatakot ako.
''Huwag kang mag-alala, hija. Hindi tayo talo. Tinulungan ka namin nuong nahimatay ka at nanghihingi ng tulong. Okay ka lang ba?'' tanong nito.
Nabawasan ang takot sa puso ko pero natatakot parin ako. Napalingon-lingon ako sa paligid. Baka mahanap ako ni Abel.
Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko. Natatakot ako baka matuntun ako dito. ''Nasaan po ba tayo? B-baka p-po m-mahanap n-niya a-ako''
Ayaw ko siyang makita.
Nararamdaman ko parin ang sakit sa katawan ko, ang matalim na bagay na nakatarak sa puso ko.
Maingat na umupo ang lalaki sa kama sa harap ko. ''Anong nangyari sayo ha? B-Bakit may dugo ang short mo?'' tanong nito. Natulala ako dahil sa naging tanong niya. Parang isang kidlat na pumasok sa isip ko ang ala-alang nangyari sa akin. Ang iyak at pagmamakaawa ko.
Umiling ako ng umiling. Sinabunutan ko ang aking buhok at nagsimulang umiyak. Ayaw kong maalala ''Please, patayin ni'yo na ako, patayin ni'yo na ako. Ayaw ko na!'' hagulhol ko. Ayaw kong mabuhay ng may ganitong ala-ala.
Niyakap ako ng lalaki. ''Kumalma ka hija, nandito lang kami. Hindi ka namin pababayaan, gusto mo bang umuwi? Sabihin mo sa amin kung anong nangyari'' mahinahon niyang sabi habang nakayakap parin sa akin. Pinipilit akong pakalmahin.
Napahawak ako sa dibdib ko at ibinaon ang mukha sa balikat ng lalaki. ''G-ginahasa p-po a-ako'' pag-aamin ko. Natahimik ang paligid. Pakiramdam ko ay isang kakahiyan ako dahil biktima ako ng gahasa.
![](https://img.wattpad.com/cover/240480466-288-k711905.jpg)
BINABASA MO ANG
Abelino Pete Felixiano
Não FicçãoTrigger Warning: Rape. [Male lead is a criminal.] Aaliyah Cher Juarez, a bratty poor girl. She's a beauty and brain. She has been just a happy girl with a big dream of being a photographer but it changes. Her world shift into a nightmare because of...