Kabanata 20

5.4K 140 20
                                        

Nakatingin ako sa anak ko na natutulog sa Hospital Bed. Natutulog si Ton-Ton ng mahimbing habang may mga naka inject sa katawan niya na mga karayom. Pinunasan ko ang luhang naglalandas sa pisngi ko.

''Anak, pangako ni Mama na makakaya mo 'to. Di kita iiwan anak...'' pumiyok ang boses ko.

Sobrang sikip ng puso ko dahil sa awa at takot na nararamdaman ko para sa anak ko. Sana ako nalang...sana ako nalang ang binigyan ng ganitong sakit. Kawawa ang anak ko...

Áng daming kong iniisip ngayon, isa na doon ang magiging bayarin namin sa Hospital. Dalawang milyon, saan naman ako kukuha ng ganyan kalaking pera? 

Anak kapit ka lang, gagawa ng paraan si Mama...

''Ali'' Napatingin ako sa likod ko at nakita si Tita Carla. Siya muna ang magbabantay kay Baby dahil maghahanap ako ng pera, maghahanap pa ako ng trabaho kung kailangan, bukas na ng gabi ang operasyon ni Ton-Ton.

Tumayo ako at tinuyo ang mga natirang luha sa pisngi at mata ko. Kinuha ko ang bag ko sa may paanan ni Baby at isinabit sa balikat ka. Tumingin ako kay Tita Carla.

''Tita, ikaw muna bahala kay Ton-Ton. Maghahanap lang ako ng pera para pang opera'' sabi ko kay Tita. Nakatitig lang sa akin si Tita na awang-awa sa kalagayan ko.

''Kaya naman ng pera natin eh'' untag ni Tita. Umiling ako. Alam kong maliit ang kita ng Club nina Tita at konti nalang din ang pera na natira sa ipon kasi nagastos ito noong nanganak ako at sa mga kagamitan ni Ton-Ton.

''K-Kaya ko T-Tita, kaya ko'' kumbinsi ko kay Tita at sa sarili ko. Naglandas na naman ang luha sa mga pisngi ko. Lumapit sa akin si Tita at niyakap ako.

''Kaya ko Tita, para sa anak ko. Kaya ko po'' Napahagulhol ako ng iyak. Pagod na pagod na ang katawan at puso ko pero hindi ako susuko kasi nandiyan pa ang anak ko, may makukunan pa ako ng lakas.

''Mag-ingat ka, Ali. Nandito lang kami ng Tita Noela mo'' sabi ni Tita. Tumango ako at kumalas sa yakap. Humarap ako sa anak ko at yumuko para maabot ito.

Hinalikan ko sa noo ang anak ko at hinaplos ng marahan ang pisngi nito. Ngumiti ako kahit balot ako ng lungkot ''Anak, maghahanap muna si Mama ng pera para sayo. Hintayin mo si Mama anak...'' sabi ko.

Dinala ako ng mga paa ko kay Julia, isa siya sa worker sa club namin. Nagtatrabaho ito bilang isang nagpapagamit at binabayaran ng mga lalaki sa club namin. Wala na akong ibang choice kung hindi gawin ito. Malaki ang kita dito. Malaki ang bigayan daw, 100,000. Malaki na iyon para makatulong sa amin. 

Lahat gagawin ko para sa anak ko kahit dignidad ko man ang kapalit.

''Sigurado ka ba dito, Ali?'' tanong nito sa akin. Pilit akong ngumiti para naman makumbinsi ko siya. Oo sigurado ako, para sa anak ko ay palagi akong sigurado kahit kapit patalim.

''Kailan ko makikilala ang client ko?'' walang abog kong tanong. Kahit ayaw ko ay wala akong magagawa. Anak ko lang ang iniisip ko ngayon.

Umupo si Julia sa maliit nitong sofa. ''Mamayang gabi, game ka ba?'' tanong niya.

Nakaramdam ako ng takot na gustong umatras pero hindi ko gagawin. Kung kailangan ko mang pilitin ang sarili ko para lang maligtas ang anak ko ay kaya kong gawin.

Tumango ako. ''Oo naman. Saan tayo magkikita?'' tanong ko sa kanya.

Hindi kaagad siya sumagot at pinagmasdan muna ako na parang kailangan kong pumasa sa Qualification. Confident naman ako, alam kong maganda ako.

''Ang ganda mo Ali, kung gagawin mo ito ay baka mag-iba na ang paningin ko sa'yo'' Alam kong pinipigilan niya akong gawin 'to.

Malungkot akong ngumiti ''Kailangan ko'' agad kong sagot. Hindi ko pinapakita ang kahinaan ko.

Abelino Pete Felixiano Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon