Kabanata 25

4.8K 143 11
                                    

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga sandaling ito. Nagsisimula na ang Auction, batch 3 kami kaya mamaya pa kami.

Nakabihis na ako at naka make-up.

''Alam mo, ikaw ang pinaka maganda sa lahat'' sabi sa akin ng Organizer. Ngumiti ako at nagpasalamat.

''Salamat po''

''Baka nga ikaw ang makakuha ng malaking bid. Sa ganda at sexy mo, hija, Walang susuko pagdating sayo. By the way are you with your manager?'' tanong pa niya.

Magsisinungaling ba ako o magsasabi nalang ng totoo. Wala akong kasama kung hindi ang sarili ko lang.

''B-Busy po kaya ako nalang ang pumunta'' pagsisinungaling ko.

''Alright, suit your self. Malapit na kayo'' sabi niya sa akin at sa kasama ko dito.

Inilibot ko ang aking tingin sa buong backstage at masasabi kong engrande ang Auction na'to. Bawat kulay ng pader ay black and gold lang ang makikita mo. Rinig ko rin ang mga Bidding sa labas na umaabot ng kalahating milyon kaya mas kinakabahan ako. Halo-halo ang boses, may naririnig akong matanda meron ding mga boses na mukhang mga nasa mga 20-30's pa.

Sana naman ay hindi ako makuha ng isang matanda.

Napaayos ako nang marinig ang palakpak ng Organizer. ''Alright ladies, this is your time to shine and have some money and also to represent your Club!'' Ang Organizer.

Nagsimula na silang maglakad kaya napalakad nadin ako. Habang naglalakad ako ay hindi ako mapalagay. Ang ikling kasi ng dress ko tapos slit pa. Naka ponytail din ang buhok ko na ako ang gumawa. Ako ang nag make-up sa sarili ko gamit ang make up na provided naman nila.

Isang maliwanag na ilaw ang sumilaw sa aking mga mata pagkalabas ko ng Back stage. Napaawang ang aking bibig sa pagkakita ng sari-saring mga mayayaman. Hindi mahirap na kilatisin kung mayaman sila, sa mga porma palang nila ay alam kong mayaman na sila. Pati ang buong room ay sumisigaw ng yaman.

Ang mga guest ay naka upo sa engrandeng mga upuan at lamesa. Nakaramdam tuloy ako ng mas matinding takot at kaba.

''Let the first lady be in the spotlight first, you need to wait for your turn.'' sabi ng isang lalaki.

Ikatlo ako kaya mas kinakabahan pa ako. Napatingin ako sa mga tao, nakaramdam ako ng hiya kasi kung makatingin sila sa amin ay para kaming mga prostitute. Ano pa nga ba? Prostitute naman talaga ang tawag sa amin eh.

''The bidding starts with 100 thousand and the bidding starts now'' sigaw ng MC.

Nakita kong may nag raise kaagad ng card nila na may number. ''150 thousand for that woman'''sigaw ng isang matandang lalaki.

''200 thousand'' sabi ng isa.

''300 thousand'' sabi naman ng isa pang lalaki na sobrang tanda. Aba'y si lolo ang tanda na babaero parin. Iba talaga kapag mayaman ka no?

''There's no more? If there's no more then I'll close the bidding now. '' walang pang umaalma ibig sabihin, sold na itong magandang babae na nasa harap ng mga tao sa isang matandang lalaki? ''The bidding is now close, this young woman is sold to number 38''

Napanganga talaga ako at kinilabutan. Umalis na ang babae at may kumuhang isang bakla. Mukhang ihahanda na nila ang babaeng na sold na.

Kung alam ni'yo lang kung gaano ako nanalangin sa isip ko na sana hindi matanda ang makakuha sa akin.

Nagsimula na ang ikalawa, ganuon parin ang nangyari. Mas napadali lang ito dahil 200 thousand palang ay bagsak na ang babae.

Napalabi ako kasabay ng pamamawis ng kamay ko. ''Come here'' sabi ng MC. Lumapit ako at narinig ko kaagad ang mga bulungan sa paligid. Napayuko tuloy ako. Gusto kong umiyak dahil ayaw ko naman 'to pero wala akong magagawa kung hindi ang tanggapin ang kapalaran ko.

Abelino Pete Felixiano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon