''Uuwi ka na?'' tanong sa akin ni Sheryl.
Pilit akong ngumiti at tumango.
''Kailangan ko ng umuwi at dadaan pa ako sa Hospital'' sabi ko sa kanya.
Lumitaw ang pag-aalala sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Sinuri niya ang buong katawan ko. ''Okay ka lang ba? May sakit ka ba? Stress ka sa Thesis?'' sunod-sunod niyang tanong.
Napatawa ako ng mahina, akala ko ay sa limang araw na lumipas ay hindi na ako tatawa. ''Wala! May pupuntahan lang ako'' sabi ko sa kanya.
Bumuntong hininga naman siya na para bang nawala ang takot sa puso. Hinampas niya ang braso ko. ''Gaga ka! Akala ko pa naman kung na paano ka, tayo na. Naii-stress ako dito sa school, puro thesis ang pinag-uusapan'' asik niya at tsaka ako hinila.
Tama ang sinabi ni Sheryl, puro thesis ang bukang bibig ng mga tao. Lapit na kasi Graduation. Limang araw nga akong puro thesis e.
Limang araw narin ang nagdaan at hanggang ngayon ay hindi parin umuuwi si Abel simula ng gabing iyon. Masakit para sa akin pero pilit ko siyang inuunawa. Nasaktan din siya, nasaktan ko siya kaya may karapatan siyang lumayo. He needs space I guess. Hindi ko nga lang alam kung hanggang kailan ko matitiis ang lumaban.
Hello girl! Nangako ka na lalaban ka para sa kanya sa hirap at ginhawa. Isang boses ang bumulong sa akin.
Oo nangako ako at iyon ang ginagawa ko ngayon kahit nasasaktan at nahihirapan na ako...
Pupunta ako ngayon sa Hospital, nagbabaka sakaling makita si Abel duon. Araw-araw na akong pumupunta sa Hospital pero wala talaga eh, ang sabi ng mga Nurse duon at doctor ay nag file daw ng leave si Abel. Ni hindi man lang ako sinabihan...
Dumaritso ako sa Hospital nang maghiwalay kami ni Sheryl dahil may pupuntahan din siya. Pumasok ako sa Hospital at dumaritso sa taong palagi kong tinatanungan.
''Good after, Nurse Cha'' bati ko kay Nurse Cha, siya ang tinatanungan ko araw-araw.
Tumingin siya sa akin, buti nga at naabutan ko siya dito sa Nurse Station.
''O ikaw pala, Ali. Sorry wala talaga eh'' sabi niya na alam na kung anong itatanong ko.
Nanikip na naman ang puso ko at nag init ang gilid ng mga mata ko. Nahihirapan na ako sa ganito at nasasaktan...
Pilit akong ngumiti, tinatago ang papaiyak kong mukha. ''Ah sige, babalik nalang ako bukas'' sabi ko at tumalikod na.
Saktong pagtalikod ko ay tumulo ang luha sa dalawa kong mata na madalian kong pinunasan.
Abel naman eh.... Magpakita ka na sa akin, please... Magtulungan tayong magpagaling kasi hindi ko 'to kayang mag-isa.
Napahinto ako sa labas ng Hospital nang makita ang pamilyar na babae. Ngumiti siya sa akin. Hindi ko siya pinansin at patuloy na naglakad papaalis, hindi pa ako nakakalayo ay tinawag niya ako.
''A-Aaliyah! Anak...'' Napahinto ako sa paglalakad at mas nanikip ang aking dibdib.
Pinahid ko ang aking luha, pinaypayan ang sarili habang kumakalma.
Kumalma ka, Ali. Mag hunos tili ka naman!
''May problema ka ba?'' Narinig kong tanong niya. Nasa likod ko na siya.
''W-wala''
''Anak...''
Humarap ako sa kanya. Magkasalubong ang kilay ko.
BINABASA MO ANG
Abelino Pete Felixiano
Non-FictionTrigger Warning: Rape. [Male lead is a criminal.] Aaliyah Cher Juarez, a bratty poor girl. She's a beauty and brain. She has been just a happy girl with a big dream of being a photographer but it changes. Her world shift into a nightmare because of...