''Opo, Lolo. Gagalingan ko po para sa inyo''
Nakasandal ako sa pinto ng kwarto ko habang nakikinig kina Lolo at Kuya. Aalis nga talaga si Kuya. Nakakuha daw kasi siya ng scholarship sa isang Med School at duon siya mag-aaral. Ngayon ay busy pa siya sa kanyang Thesis. Bakit pa ba siya lilipat? Eh kung sa akin naman ay pwedeng dito nalang siya.
Iiwan niya talaga ako... Syempre sino ba naman ako, kapatid niya lang ako sa paningin ng lahat at sa paningin niya.
Ouch.
Bumuntong hininga ako at tumingin sa relo ko. Alas nueve na. Kailangan na ako sa Plaza dahil may practice pa ako. Part kasi ako ng Cheerleader ng Basketball nila Kuya. Sa susunod na sabado na kasi ang Fiesta dito sa amin. Kailangan ko ng umalis.
Inayos ko muna ang sarili bago lumabas ng kwarto. Pinahinahon ko ang puso kong malakas ang kabog. Kalma lang. Sabi ko sa sarili ko.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Kuya na papasok sa kwarto niya pero natigilan siya. Mukhang narinig yata ang pagbukas ng pinto ko. Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Nagkatinginan kami pero kaagad kong iniwas ang tingin ko.
Ilang araw ko narin siyang hindi pinapansin simula nang malaman kong aalis siya. Kung gusto niyang umalis ay hindi ko siya pipigilan pero sana huwag na muna siyang magparamdam sa akin. Pahilumin niya muna ang puso kong bigo.
Lumapit ako kay Lolo.
''Lolo'' tawag ko kay Lolo. Tumingin sa akin si Lolo.
''Oh? Saan ka?'' tanong ni Lolo.
''Sa Plaza po, Lolo. Practice po namin ngayon'' sagot ko kay Lolo.
''Edi sige, mag-ingat ka at umuwi ng maaga'' aniya. Ngumiti ako at tumango.
Magkikita kami ni Janine duon, ang anak ni Manang Bebay.
''Opo, Lolo. Una na po ako'' Lumabas ako deritso at hindi na lumingon sa likod ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at itinutok ang camera sa tanawin. Maganda ang panahon ngayon, magandang kunan ng larawan.
Kumuha ako ng mga larawan sa iba't-ibang angle. Konti lang ang mga larawan sa cellphone ko kasi baka mapuno. Tapos panget pa ang camera ko kasi Cherry Mobile lang 'to. Pagkatapos kong kunan ang magagandang view ay dumaritso na ako sa Plaza. Pagdating ko duon ay nakita ko si Janine na kaagad kong tinawag.
''Janine!'' tawag ko kay Janine. Lumingon siya sa akin. Nag-aayos ito ng sarili kasi malapit na magsimula.
Mukhang sakto lang ako sa oras. Nakatali na ang buhok ko. Naka loose t-shirt ako at naka dolphin short. Para hindi masyadong mainit. Naka cycling din naman ako kay alright lang,
Lumapit ako kay Janine. ''Magsisimula na ba tayo?'' tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa may stage kung saan kami mag eensayo, sa court naman mag eensayo sina Kuya. Ewan ko nga lang ba kung sasali siya ngayon. Mukha namang hindi siya sasali kasi busy siya.
''Oo, ikaw nalang hinihintay namin. Ikaw face of the group natin kaya dapat maaga palang ay nandito ka na'' sabi niya sa akin. Napakamot ako sa ulo ko.
''Sorry na'' pa-cute kong sabi.
Bumuntong hininga lang siya at tumingin sa likod ko.
''Kasama mo pala si Abel?'' kinikilig niyang tanong. Napakunot ang noo ko. Ha?
''Hindi'' sagot ko. Nakangiti lang ito habang nakatingin sa likuran ko.
Huwag mong sabihin....
Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko at kumalampag ang puso ko nang makita si Kuya na naka basketball attire at kausap ang mga kaibigan niya.
Napaawang ang bibig ko. Akala ko ay hindi siya sasali...
BINABASA MO ANG
Abelino Pete Felixiano
No FicciónTrigger Warning: Rape. [Male lead is a criminal.] Aaliyah Cher Juarez, a bratty poor girl. She's a beauty and brain. She has been just a happy girl with a big dream of being a photographer but it changes. Her world shift into a nightmare because of...
