Hindi ko na siya pinansin hanggang sa oras na pinakain na kami ni Kapitan. Kanina pa niya ako tinatawag pero bahala siya. Hindi parin talaga nawawala sa isip ko ang pagpunta sa Hacienda na iyon, wala akong pakealam kung mag-isa lang ako.
Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at hindi pinansin si Patricia na nasa harap ko at halatang hinihintay si Kuya. Ang sarap nilang pag umpugin.
''Ali...'' Narinig ko ang boses ni Kuya pero hindi ko ito pinansin at nagsimula ng kumain. Nakita ko sa sulok ng mata ko ang paglagay niya ng tray sa tabi ko.
''Abel dito ka umupo. Tabi tayo'' Napatingin ako kay Patricia pero sandali lang at baka maitapon ko itong pagkain ko sa mukha niya.
''Ali...'' tawag ulit ni Kuya sa pangalan ko. Hindi binibigyan ng atensiyon si Patricia. Tinaas ko ang kilay ko sabay tingin sa gilid ko. Bumungad sa akin ang mukha ni Kuya. Nakaupo siya sa upuan ni Janine na katabi ko.
''Ano?'' masungit kong tanong.
Binigyan niya ako ng nagmamakaawang tingin.
''Balik ka na sa upuan natin'' yaya niya sa akin na may pagmamakaawa.
Pagkatapos niya akong sungitan kanina? Pababalikin niya ako? Ano siya hilo?
''Matapos mo akong sigawan kanina?'' untag ko sa kanya.
Bumuntong hininga siya at pumikit then nagmulat na naman ng mata.
''I'm sorry, nainis lang ako. Kasi naman eh...'' aniya. Natigilan ako at tinitigan siya ng maigi. Umaasa na naman ang puso ko. Bakit ba napaka galing niya sa pagpapaasa sa akin?
''Kuya, nagseselos ka ba?'' deritsaan kong tanong. Wala akong pakealam kung mukha akong desperadang babae, ayaw ko ng sugar coating na mga salita. Gusto ko deritso. Wala akong makukuha sa mga salitang paliko-liko at balat anyo.
Natahimik siya at matagal na nakaimik. ''S-Syempre, K-Kuya mo a--ako'' sagot niya. Parang isang punyal ang sinabi niya na sumaksak sa puso ko. Oh yes, Kuya. Palaging Kuya.
Hilaw akong tumawa. ''Oo nga pala, Kuya lang kita...'' sabi ko at bumalik sa kinakain ko. Naiiyak na ako sa totoo lang.
''Ali, hin---'' Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil dumating na si Janine na ipinagpasalamat ko.
''Kuya Abel, upuan ko 'yan'' sabi ni Janine.
''Ahh oo nga pala, pasensiya ka na Janine'' sabi ni Kuya. Nakita ko ulit sa sulok ko na tumayo na siya at nang mapatingin ako sa harap ko ay magkatabi na sila ni Patricia. Tumingin sa gawi ko si Kuya kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin.
''Nag-away ba kayo ng Kuya mo?'' biglang tanong ni Janine. Tumingin ako sa kanya.
Tipid na ngumiti ''Di naman'' sagot ko.
''Eh bakit parang natakluban ng lupa at langit iyang mukha ng Kuya mo?'' tanong niya sa akin. Napatingin naman ako kay Kuya at nahuli kong nakatingin siya sa akin habang kinakausap siya ni Patricia. Umiwas ulit ako ng tingin at pinaigi nalang ang pagkain.
Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako. Kinuha ko ang bag ko at magpapaalam kay Janine at sa mga kasama ko. Pupunta pa kasi ako sa Hacienda. Gusto ko talagang pumunta duon kahit ako lang mag-isa. Gusto ko lang makita ang ilog duon at malaking puno.
Lumapit ako kay Janine na nakatalikod sa akin. Nagtatawanan ulit silang lahat.
''Janine, mauna na ako ha?'' paalam ko sa kanya. Humarap siya sa akin.
''Hindi ba kayo magsasabay ni Kuya Abel?'' tanong niya sa akin.
Umiling ako. ''Hindi na muna siguro, may pupuntahan pa kasi ako'' sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo niya at mukhang nag-isip. Hinintay ko naman siyang magsalita ulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/240480466-288-k711905.jpg)
BINABASA MO ANG
Abelino Pete Felixiano
No FicciónTrigger Warning: Rape. [Male lead is a criminal.] Aaliyah Cher Juarez, a bratty poor girl. She's a beauty and brain. She has been just a happy girl with a big dream of being a photographer but it changes. Her world shift into a nightmare because of...