Kabanata 4

5.8K 148 20
                                        

Pinatay ko ang gripo na wala namang lumabas na tubig at pumasok sa sala. Nakita ko si Lolo na inaayos ang mga gulay na ititinda niya bukas. Napatingin ako sa kwarto ni Kuya. Tumibok ng mabilis ang puso ko at napangiti.

Hindi ko parin makalimutan ang sinabi sa akin ni Kuya noong nakaraang araw na maganda ako. Kinikilig ako. Ang sarap pakinggan kapag galing kay Kuya.

Umiling ako nang mapagtanto ko kung anong iniisip ko. Napahawak ako sa magkabila kong pisngi. Nge! Nanginginit ang pisngi ko! 

Kailangan mong umayos, Ali. Sabi ko sa sarili ko. 

Tumikhim ako at umayos ng tayo. Lumapit ako kay Lolo.

''Lo'' tawag ko.

Lumingon sa akin si Lolo at inayos ang eyeglass niya. ''O? Akala ko ba ay maglalaba ka na?'' tanong niya sa akin.

''Walang tubig, Lolo. Sira siguro ang Barangay ngayon o hindi kayo nakabayad.'' sabi ko kay Lolo.

Natigilan naman siya na mukhang nag-iisip.

''Aba'y ewan ko, tawagin mo Kuya mo sa kwarto niya at papuntahin mo dito, tatanungin ko kung nagbayad siya ng tubig'' utos niya sa akin. Parang may karayom na tumusok sa lalamunan ko.

''A-Ako po?'' galgal kong tanong kay Lolo. Tinignan niya lang ako ng seryoso.

''May kausap ba akong ibang tao dito?'' tanong niya sa akin.

Napakamot ulo ako. Lolo naman eh. Pilosopo.

''Oo na po'' sagot ko at naglakad na papalapit sa kwarto ni Kuya. Natigilan ako sa may pinto at lumingon kay Lolo at ibinalik ang tingin sa doorknob ng pinto. Napalunok ako. Nakahawak na ang kamay ko sa doorknob pero hindi ko alam kung paano ko bubuksan. Natatakot ako.

Huminga ako ng malalim at pinihit ang doorknob. Pagpasok ko ay nakita ko si Kuya nasa kama niya. Natutulog. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumasok ako at isinarado ang pinto. Maingat akong lumapit kay Kuya at umupo sa espasyo ng kama niya.

Nakaharap ako sa kanya. Parang malulusaw ang puso ko dahil sa kagwapuhan ni Kuya Abel. Ang taas ng ilong niya at ang taas din ng kanyang mga pilikmata. Mapupula niyang labi. Deym! kaya hindi nakakapagtaka na maraming nagkakagusto sa kanya.

Ngayon lang ako nakalapit ng ganito kalapit kay Kuya dahil hindi naman talaga kami close dati. 16 years ko na siyang kasama pero hindi ko siya ramdam. Malayo siya sa akin at ngayon lang kami naging malapit. 

Biglang sumagi sa isip ko ang Jersey ni Kuya na ang Birthday ko ang nakalagay. Wala sa sarili akong napangiti. Hinaplos ko ang buhok niya gamit ang ilang darili ko. 

Hindi ako sigurado ang nararamdaman ko pero may kakaiba sa akin. Iyong kakaibang 'yon ay parang nabubuhay sa akin ng hindi ko alam kung bakit.

Napatigil ako sa paghaplos ng buhok niya dahil hinawakan niya ang kamay ko. Nag humirantado ang puso ko dahil sa kaba. Akala ko ay tulog siya.

''Anong ginagawa mo?'' may pagkapaos niyang tanong. Nabigla ako kaya hindi kaagad ako nakapag react. Umupo siya sa kama niya at tinignan ako ng deritso. Hindi ko maiwas ang tingin ko dahil sa maamo niyang mukha.

''Ali...'' tawag niya sa akin. Napatayo ako. Hindi ako mapalagay habang nakatayo sa harap niya.

''Anong ginagawa mo dito?'' tanong niya ulit sa akin.

Nakatagilid ang ulo ko at nakatingin lang sa salamin na nasa gilid ko. Kitang-kita ko ang kaba sa mukha ko. Namumula din ang pisngi ko.

''Ali...'' tawag niya ulit sa akin. Huminga ako ng malalim ng patago.

Abelino Pete Felixiano Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon