Kabanata 26

4.9K 148 10
                                    

''Hay nako, hindi ko talaga alam kung bakit napaka bait sa atin ni Doc. Felixiano'' wika ni Tita Carla habang papalabas kami ng Hospital.

Papunta kami ngayon sa parking lot kung nasaan ang kotse ni Abel. Nag prisenta kasi siya kanina na siya na daw ang maghatid kina Tita sa Airport, ngayon ang alis nina Tita papunta sa Negros. 

''Hayaan mo nalang, Carla at baka gusto niya lang na maging safe tayo'' sabi ni Tita Noela.

Napanguso ako.

Dalawang linggo na kaming palaging magkasama ni Abel. Minsan ay sabay kaming kumain sa isang Restaurant. Palagi kasi siyang nag-aaya. Ayaw ko namang tumanggi dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya at tsaka... Never mind.

''Napapansin ko Ali na palagi kayong magkasama ni Doc, magkakilala ba kayo?'' tanong ni Tita Carla sa akin.

Napalunok ako bago sumagot.

Kailangan ko na namang magsinungaling. Pakiramdam ko tuloy ang laki na ng kasalanan ko kina Tita dahil sa pagsisinungaling.

''H-Hindi po, Tita. Nag-uusap lang po kami tungkol sa lagay niyo'' pagsisinungaling ko.

Nag-usap ulit sila ni Tita Noela at hindi na ako nagsalita pa,baka kasi mapunta na naman sa akin ang usapan.

''Oo nga pala, may nahagip ako na chismis'' untag ni Tita Carla

''Ano naman 'yan?'' si Tita Noela naman.

''Nakulong daw noon si Doctor Felixiano'' sabi ni Tita Carla na nagpatigil sa akin sa paglalakad.

Hindi parin iyon nakakalimutan. Palagi iyong pumapasok sa isip ko, gusto ko siyang tanungin kung bakit siya nakulong. Kung dahil ba iyon sa akin o dahil sa ibang dahilan.

''Okay ka lang ba, Ali?'' tanong ni Tuita Noela nang mapansin na napahinto ako. Tumingin ako kina Tita na nakatingin nadin sa akin na may pagtataka sa mukha.

Pilit akong ngumiti. ''O-Okay lang p-po, Tita'' sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Pagdating namin sa Parking lot ay nakita kaagad namin si Abel. Lumapit siya sa amin at tsaka tinulungan si Tita Carla na ipasok sa kotse si Tita Noela. Naka wheelchair kasi si Tita, nakakalakad naman si Tita pero masakit parin ang likod nito, may pagkasariwa pa kasi ang opera niya.

''Careful'' mahinang sabi ni Abel habang tinutulungan sina Tita.

Nakatayo lang ako sa likod nila at hinihintay na matapos sila. Pinagmasdan ko si Abel.

Hindi ko talaga alam kung anong plano niya. I need to stay with him within a months. Hindi niya pa sinasabi kung anong plano niya sa akin kahit palagi naman kaming nagkikita. Kapag nagkikita kasi kami ay yayayain niya lang akong kumain tapos magtatanong tungkol sa school matters ko.

Napakagat labi ako habang pinagmamasdan ang lalaki. Nakasuot ito ng faded jeans and a white plain t-shirt. Ang hot naman ni Doc.

''Salamat, Doc'' sabi ni Tita Noela kay Abel.

''Welcome po'' sagot naman ni Abel.

''Ang galang talaga!'' tili ni Tita Carla.

Pumasok na si Tita Carla sa tabi ni Tita Noela, papasok na din sana ako ng kotse nang biglang humarang ang malapad na dibdib ni Abel sa harap ko.

''You sit beside me'' sabi niya.

Tiningala ko siya. Yes, kailangan ko pa siyang tingalain dahil sobrang taas niya.

''Tatabi nalang ako kina Tita'' mahina kong sabi para hindi marinig nina Tita.

''No, I want you beside me'' pilit niya. Napabuntong hininga nalang ako at sumunod sa gusto niyang mangyari. Kung makikipag away pa ako ay baka makahalata na sina Tita.

Abelino Pete Felixiano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon