Kabanata 12

4.7K 141 5
                                    

''Anong oras ang alis mo bukas?'' tanong ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa may Hacienda. Nakahiga ako sa tiyan niya habang siya ay nakahiga sa telang inilatag namin dito sa ilalim ng puno.

Nakatingin ako sa mga dahon habang nakaunan sa tiyan ni Abel. Sabado ngayon at kailangan niya ng umalis bukas ng umaga.

''Umaga po, pero hihintayin kitang magising para mabigyan mo ako ng halik sa labi'' sabi niya. Napangiti naman ako sa kabila ng lungkot at paghihinala.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. Nakaunan siya sa bag naming dala habang nakatingin sa akin. Mukhang kanina pa niya ako tinitignan.

''Sa December pa Graduation ninyo diba?'' tanong ko. Natigilan siya at nawala ang ngiti sa labi niya sa naging tanong ko. Sabi ko na eh, may tinatago siya.

''Ali...'' Napatayo ako sa pagkakahiga at umupo sa damuhan. Nakatalikod ako sa kanya. Pinikit ko ang aking mga mata, pinipigil ang umiyak.

''Nagsinungaling ka sa akin, Abel. Nagsinungaling ka sa amin ni Lolo, Kuya... '' sabi ko sabay tingin sa kanya. Pain and shocked was there. Nagbaba siya ng tingin.

''Now, you're calling me Kuya again'' seryoso niyang sabi pero delikado. May kakaiba sa tono niya na mukhang may nasagi ako na hindi maganda. Ang hilig niyang mag english kapag galit.

Tumalikod na ako sa kanya at namayani ang katahimikan sa aming dalawa.

''Makikipag hiwalay ka ba sa akin, Ali?'' seryoso niyang tanong.

Napalunok ako sa naging tanong niya. Napakuyom ang kamao ko.

''Hindi ko alam...''

Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa namin... Hindi ko siya kayang pagkatiwalaan lalo na ngayon. Ang tagal na naming magkasama pero hindi ko parin siya masyadong kilala.

''Nahawakan at natikman ko na ang katawan mo, Ali. Wala ka ng kawala sa akin.'' ma awtoridad niyang sabi. Mapang angkin.

Mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Natatakot ako sa kanya, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito na parang wala na akong kawala sa kanya.

''Pero nagsinungaling ka!'' asik ko sa kanya.

''Rason ba 'yon para hiwalayan mo ako? Hindi mo ba tatanungin kung bakit ako nagsinungaling?'' tanong niya sa akin. Napaharap ako sa kanya. Iyong harap talaga. Nakaharap na ang katawan ko sa kanya.

Sinalubong ko ang kanyang mga tingin pero napaiwas kaagad ako. Hindi ko kayang salubungin ang madidilim niyang tingin.

''Hindi ako makikipag hiwalay sayo pero bakit ka nagsinungaling?'' tanong ko ulit. Bumuntong hininga siya at lumiwanag ng konti ang mukha niya. Lumapit siya sa akin at inilagay ang kamay niya sa batok ko at pinagdikit ang noo namin. Pumikit siya.

''Nagsinungaling ako kasi alam kong magseselos ka sa sasabihin ko at magagalit'' sabi niya sa akin. Tinignan ko ang kanyang mga mata na nakapikit pa.

''H-Ha?'' Inosente at naguguluhan kong tanong. Bakit magagalit?

Minulat niya ang mata niya at pinaglayo ang aming noo. Hinalikan niya ako duon at tinignan sa mga mata, iyong tingin na seryosong-seryoso.

''Naaalala mo iyong na suspended ka?'' tanong niya sa akin. Tumango ako.

''Inutusan ako ng Teacher mo na makipag kita sa Principal at makipag-usap'' sabi niya sa akin. Anong pinag-usapan naman nila?

Mas lumapit ako sa kanya na parang gustong-gusto ang topic ng kuwento. Napatawa siya kaya napasimangot ako.

''Anong nakakatawa?'' asik ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at siniil muna ako ng halik. Naghiwalay ang mga labi namin at nagkuwento ulit siya.

''Pumunta ako sa Principal para hindi ka mawalan ng scholarship at ang sabi ng Principal ay gusto daw ng isang Med school na mag invite ng studyante galing sa school natin para duon gumawa ng thesis'' aniya. Kasalanan ko pala. 

Abelino Pete Felixiano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon