Kabanata 36

4.8K 140 7
                                    

''Hindi talaga ako makapaniwala na nandito ka na, anak!'' masayang wika ni Tita Carla.

I am here at our House, dumating ako kaninang madaling araw lang at dumaritso na ako dito sa bahay namin. Ang daming pinagbago kaya nabaguhan ako, looks like i need to adjust myself, cause people nowadays are unreadable.

I smiled. ''I am really shock, Tita. Ang dami na palang nagbago dito. Apat na taon lang akong nawala pero parang bago na ang mga tao dito sa Pilipinas'' sabi ko kay Tita.

''Oo nga eh, madami ng nagbago... Ay oo nga pala! Kumain muna tayo'' sabi ni Tita at tumayo.

''Oo nga, magsikain na kayong dalawa dahil pupunta pa tayo sa condo ni Ali mamaya'' si Tita Noela.

Napangiti ako habang nakatingin kina Tita, kitang-kita kong masaya silang nakauwi na ako, masaya rin ako, sobrang saya.

Tumayo ako at dumaritso sa kusina, umupo sa hapag kainan.

''Anak, try mo 'tong fish filet na niluto ng Tita Noela mo, masarap yan!'' Nilagyan ni Tita Carla ng ulam ang plato ko.

''Ito rin, nak. Masarap 'tong adobong baboy'' Nilagyan din ni Tita Noela ang plato ko.

I chuckled. ''Tita's, okay lang naman ako eh. Bini-baby ninyo po parin ako'' I laughed a little bit.

Umayos ng upo sina Tita at parehong ngumiti sa akin. ''Bawi narin namin ito sayo anak. Hindi ka man lang namin naalagan ng mabuti dati, kayo ni Tonton...'' puno ng pagsisising sabi ni Tita Noela.

''Oo nga, anak. Patawarin mo kami, hindi namin talaga alam'' Yumuko si Tita Carla na para bang nahihiya.

Hindi kaagad ako nakaimik. Wala naman kasi silang kasalanan sa kung anong nangyari sa akin dati. They did everything to support me at sapat na iyon. Ako nga dapat itong humingi ng pasensiya sa kanila kasi naging pabigat lang ako sa kanila, lalo na ng mamatay si Tonton. Nawalan kami ng pera nuon para lang mapagamot ako.

Hinawakan ko ang magkabila nilang kamay, pinang gigitnaan kasi nila ako. Tinignan ko sila isa-isa. 

''Ano ba kayo, Tita. Okay lang iyon at hindi niyo naman kasalanan kung anong nangyari sa akin, ang mahalaga ay nandito na ako'' sabi ko sa kanila.

Ngumiti sila sa akin. ''Salamat, anak.''

''Salamat, Ali''

And we ate peacefully. Pinag-usapan namin kung anong gagawin ko para makuha si Abel. Yes, alam nila kung bakit ako bumalik. Sapat na iyong apat na taon na magkahiwalay kami. Alam kong sobrang kapal ko para mag hangad pa na balikan niya ako lalo na sa ginawa kong pag-iwan sa kanya pero anong magagawa ko? I love him so much and it keeps me going, it's giving me more motivation to fight for him.

4 years ago, he fought for us, he even chased me and now, I need to do what he did for me. It's my time now to make a move. Hindi ko siya susukuan kahit man sukuan niya ako. I am going to get him, no matter what it takes and give me. Pain or love. Wala akong pakealam.

''Pupuntahan mo ba mamaya si Tonton, Ali?'' tanong ni Tita habang papasok kami sa bagong condo na bili ko. 

''Opo'' sagot ko. Iyon ang una kong gagawin ngayong nakauwi na ako sa Pilipinas. I also need to contact Mama to inform her that I safely got home.

Huminto kami sa harapan ng pintuan.

''Pinto palang ang ganda na!'' rinig kong sabi ni Tita Carla.

''Di mo pa ba halata kanina pagpasok natin? Building pa nga lang eh ang ganda na, titignan mo palang, alam mo ng hindi mo afford'' sabi ni Tita Noela naman.

Abelino Pete Felixiano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon