Kabanata 8

5.3K 134 7
                                        

Kinuha ko ang maliit kong sling bag at lumakad papalapit sa salamin. Pinagmasdan ko ang sarili ko kapag kuwan ay ngumiti ako. Para ma comfort ang sarili.

Okay lang ako... Oo, okay lang talaga ako.

Huminga ako ng malalim at lumabas na ng kwarto pero bago ako lumabas ay sumilip muna ako sa labas, sa may sala. Ayaw kong magkasalubong kami ni Kuya. Nahihiya ako sa naging pag-amin ko tapos basted kaagad ako. Dalawang araw kaming ilag sa isa't-isa. Sino ba naman ang hindi maiilang. Minsan ay agad akong lumalayo o pumapasok sa kwarto kapag na tyempuhan na kaming dalawa lang dito sa bahay. Napapansin ko kasi na gusto niyang lumapit sa akin, siguro para makipag-usap pero hindi ko siya binibigyan ng chance. Natatakot ako sa sasabihin niya.

Natatakot akong masaktan ulit kagaya ng naramdaman ko ng araw na iyon sa harap ng University namin. Pahinga muna, iwas muna. Ibabalik ko muna dignidad ko na nadurog nu'ng araw na 'yon.

Dignidad muna bago landi.

Nang makita kong wala naman sa sala si Kuya ay lumabas na ako. Nakita ko kaagad si Lolo na nanonood ng tv. Lumapit ako kay Lolo.

''Lo'' tawag ko. Lumingon siya sa akin.

''Oh? Saan ka na namang bata ka?'' tanong niya sa akin. Napakamot ako ng ulo.

Kung maka saan ka na naman parang palagi akong gumagala ah.

''Punta ako kina Manang Bebay, Lolo. Papatulungin niya ako duon sa pagluluto'' sagot ko kay Lolo.

Tumango si Lolo. Agad na nagsaya ang kaloob-looban ko kasi alam ko ang tangong iyan, ibig sabihin okay lang. 

Ito kasi ang unang araw ng Fiesta at taga fiesta talaga ay tumutulong kami ni Kuya Abel kina Manang Bebay. Ewan ko lang kay Kuya kung tutulong siya. Baka busy siya kagaya kahapon. Wala siya kahapon dito dahil lumuwas siya ng Manila para ayusin ang uupuhan niya duon. 

Bakit niya pa aayusin eh halata namang duon siya sa Condo ni Patricia tutuloy and yes, alam kong may condo si Patricia kasi chismosa si Chelsy. Daming alam sa mundo.

''Sabihin mo kay Manang Bebay na manghihinga tayo ng pang ulam'' sabi ni Lolo. Masaya akong tumango.

''Opo, Lolo'' sagot ko. Normal lang sa amin na magbigayan, alam ko na namang marami kaming ulam na darating ngayon at sa mga susunod na araw pa, Mahal yata ng buong Barangay namin si Lolo.

Famous si Lolo, sabi nga ni Manang Bebay na heartthrob daw si Lolo sa school dati, crush nga ng Mama ni Manang Bebay dati si Lolo. Mapapa sana all ka nalang dahil sa Lolo ko.

''Aalis na po ako, Lo'' aniko at naglakad na papalabas ng pinto pero bago ako makalabas ay natigil ako dahil sa sinabi ni Lolo.

''Sabay kayong umuwi ng Kuya mo'' 

Mabilis pa sa ala una akong humarap kay Lolo. 

''Po?'' nasabi ko dahil sa gulat.

''Nanduon din ang Kuya mo, kanina pa siya umalis, papatulungin daw siya ni Bebay maghakot ng mga soft drinks.'' sagot ni Lolo.

Napatigalgal ako. Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong mga emosyon. Pagkapahiya, konting galit at kaba. Paano ako makakagalaw duon kung nanduon si Kuya?

Parang gusto ko nalang huwag pumunta duon pero nangako ako kay Manang tapos may itatanong din ako kay Janine tungkol duon sa puno na sinasabi ni Cynthia. Wala lang, curious lang ako.

''Hoy, Ali. Ikaw na bata ka, okay ka lang ba?'' Napabalik ako huwisyo dahil sa boses ni Lolo. Pinilit kong ngumiti kahit ayaw ko. Kinakabahan tuloy ako.

''O-Opo, Lolo. Aalis na po ako, ingat po kayo dito'' aniko 

''Ingat ka, Ali. Sabihan mo ang Kuya mo na huwag maglasing kung ayaw mong pagalitan kita'' banta niya sa akin.

Abelino Pete Felixiano Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon