Kinuha ko ang aking gamot sa loob ng lalagyan at ininum. Para naman gumaan ng konti ang puso ko.
''Ali, hindi ka ba pupunta kay Prof ngayon?'' tanong sa akin ng Classmate ko na si Sheryl.
Ibinalik ko ang Mineral Bottle sa bag ko pati narin ang gamot.
''Pupunta ako, uminom lang ako ng gamot ko'' sagot ko. Kinuha ko ang aking folder na naglalaman ng aming project.
Kumuha ako ng B.A. in Visual Arts and Photography at nasa 3rd year na ako ngayon. Apat na taon na akong namumuhay sa mundo na puro pagdurusa.
Kung pwede lang akong mamatay para makasama ko na ang anak ko ay gagawin ko... Miss na miss ka na ni Mama anak.
''May sakit ka ba? Bakit palagi mong iniinom ang gamot na 'yan?'' nagtataka niyang tanong.
''Para hindi ako atakihin'' sagot ko.
Ayaw kong pag-usapan ang tungkol dito, dahil bumibigat lang lalo ang puso ko. Apat na taon na ang nakalipas ngunit sariwa parin ang nangyari sa akin at sa anak ko. Muntikan na akong mabaliw at itong gamot ko ang nagpapakalma sa akin.
Kinuha ko ang sling bag ko at humarap kay Sheryl. Inilahad ko ang aking kamay sa harap niya para kunin ang kanyang folder. Alam ko namang ipapakiusap niya sa akin na ako nalang ang mag pass ng project niya.
''Akin na'' sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. ''Salamat, Ali! The best ka talaga! Maganda na mabait pa!''
Nandito na naman 'tong babaeng 'to. Palaging may pahabol eh!
Tipid akong ngumiti ''Oo, alam ko'' sagot ko sa kanya. Ibinigay niya sa akin ang folder pero bago niya maibigay ay may sinabi pa siya.
''Oo nga pala Ali, narinig mo na ba 'yong chismis?'' tanong niya na nagpakunot ng noo ko. Anong chismis?
''Ano?''
''May Auction na magaganap diyan sa may Hotel sa convention area, mga Bilyonaryo daw ang pupunta'' kinikilig niyang sabi. Napangiwi ako.
''Di naman tayo makakapunta'' komento ko sa kanya. Nawala ang ngiti ni Sheryl sa labi at lumabi.
''Ang kj mo talaga'' mahina niyang hinampas ang dibdib ko.
Hindi na ako nagsalita at umalis nalang hawak-hawak ang dalawang folder na ipa-pass kay Prof. Kailangan kong magmabilis dahil aalis pa ako. Pupuntahan ko pa ang anak ko. It's October 12, 4th Anniversary na ng anak ko sa langit ngayon. Kailangan ko siyang bisitahin dahil baka magtampo ang batang 'yon sa akin.
Napakasakit parin pero wala na akong magagawa kung hindi tanggapin ang nangyari at mamuhay ng parang patay. Patay na ang puso ko kaya minsan ay natatanong ko sa sarili ko kung bakit nasa mundo pa ako.
Pagdating ko sa Teacher's Faculty ay ibinigay ko kay Prof ang folder tsaka umalis. Pumunta muna ako sa Mall para bilhan ng mga bulaklak ang anak ko.
Pagkatapos kong bumili ay lumabas na ako ng Flower shop ngunit napaatras ako nang makabunggo ako ng tao. Buti ay hindi nahulog ang bulaklak ng anak ko.
''Pasensiya na po'' sabi ko habang hindi tumitingin sa babaeng nabangga ko. Papaalis na sana ako nang bigla itong magsalita na dahilan na mapahinto ako. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng aking pagsinghap sa hindi makapaniwalang pagtatagpo.
''How are you, Ali? Remember me?'' Napatingin ako sa Babae. Hindi ko alam kung anong magiging respond ko. Hinimas ko siya ng tingin. Naka coat ito ng pang Doctor. Isa na siyang Doctor, good for her...
BINABASA MO ANG
Abelino Pete Felixiano
Non-FictionTrigger Warning: Rape. [Male lead is a criminal.] Aaliyah Cher Juarez, a bratty poor girl. She's a beauty and brain. She has been just a happy girl with a big dream of being a photographer but it changes. Her world shift into a nightmare because of...