Kabanata 22

4.7K 137 5
                                    

Bumuntong hininga ako at kinuha ang dalawang beer na nasa counter. Inilagay ko ito sa tray at sinerve. Bumalik ako sa counter pagkatapos. 

Ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa problema na iniisip ko. Kasalanan ko naman kasi eh, nalugi kami noong panahong kailangan akong ipagamot para lang bumalik sa katinuan. Naubos ang pera nina Tita dahil lang sa akin. Ang nasa isip ko ngayon ay ang makabawi sa kanila, masuklian ang mga perang ibinigay nila sa akin.

''Ali, ikaw muna dito. Bibili muna ako sa kalapit na Liquor shop ng bagong tequila, naubusan tayo ng stocks'' sabi ng aming Bartender. Tumango ako at pumasok sa counter.

Pinagmasdan ko ang mga taong sa loob ng Club. Konti lang ang mga tao dito. Mga magaganda din naman kaming dancer pero kulang parin. Andami naming papasahorin tapos meron pa si Tita, iniisip ko palang ang bigat sa likod ni Tita Carla ay parang ako ang mababaliw.

''Excuse me Ms. Where's the owner of this club?'' Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko na ngayon. Naka formal ito ng damit. 

Umayos ako ng tayo. ''They are not here Sir due to some personal problems, but you can talk to me about it'' sabi ko sa kanya. Tumango siya at umupo sa High chair. 

''And who are you? Ngayon lang kita nakita dito'' sabi ng lalaki.

''I'm Aaliyah. The owners of this club are my Tita's'' sagot ko sa kanya.

Tumango lang ulit siya na parang gets niya na ang sinasabi ko. ''Well, Ms. Aaliyah, I have some proposal for your Tita's. A good one'' sabi niya sa akin kaya nabuhay naman ang loob ko. 

''What proposal Sir? Can you tell me about it?'' tanong ko. 

May inilagay itong card, parang invitation card at ang nakalagay ay Auction in bold letters. Nagsalubong ang kilay ko. Naalala ko iyong Auction na sinasabi ni Sheryl, ito ba 'yon?

''We need an escort from this Club, malaki ang bigayan, the minumun is 5 Million. Malaki ang impact nito sa Club ninyo kaya maganda kung sumali kayo'' wika niya. Syempre ay nasiyahan ako sa narinig ko. Marami kaming Escort dito  kaya walang problema.

''How many escort?'' tanong ko. Alam kong mali itong ginagawa ko na padalos-dalos pero alam kong ito nalang ang makakatulong sa amin. Wala na kaming pera at alam ko iyon. Hindi ako bobo at tanga para hindi mapansin na palaging namomoblema sina Tita sa  pera. Ipapaliwanag ko nalang mamaya sa mga Escort namin, malaki din naman ang maiitulong ng Auction sa kanila.

''We need one from your club'' Nadismaya ako sa sinabi niya. Isa lang pala? 

''Alright, sasali kami'' determinado kong sagot. Oo sasali kami, bahala na si Batman.

''But we have some qualifications'' sabi niya pagkatapos ay may inilapag na Papel. Kinuha ko ito at binasa.

Nanduon ang Height, ang skin tone at weight. Napanganga ako. Meron kaming mga Escort na matatangkad pero may problema sa ibang Qualifications. Ang sosyal naman kasi ng Qualifications nila. Pang flight attendant yata!

Napalunok ako. Anong gagawin ko eh mukhang tugma lahat ng qualifications sa akin? Pasok ako pero hindi ko kayang maging escort.

Naging service ka nga dati eh. Sabi ko sa sarili ko.

Oo nga, naging service na ako para sa anak ko dati at gagawin ko ulit iyon para lang sa mga taong mahal ko. 

Huminga ako ng malalim at tumingin ulit sa lalaki. ''Sasali kami'' Pinal kong sabi.

''Alright, get the invitation and see your escort on Saturday at the Velasquez Hotel near this area'' sabi niya at umalis na.

Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa makalabas ng Club. Napatingin ako sa Invitation Card. Wala akong magagawa kung hindi ang tanggapin ito, kailangan ako nina Tita ngayon...

Abelino Pete Felixiano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon