Kabanata 1

9.2K 185 6
                                    

''That's all for today, thank you section Diamond'' 

Napatingala ako at itinaas ko rin ang aking mga kamay sa hangin.

Nakakapagod ang exam ngayon sa totoo lang. Buti ay nakapag-aral ako ng mabuti noong nakaraang araw. Kailangan kong i-maintain ang grades ko kung hindi ay baka paluuin ako ni Lolo.

''Kain tayo sa labas'' Napatingin ako kay Chelsy na umupo sa tabi ko at nakaharap sa akin. Busog pa naman kasi ako.

''May kwek-kwek diyan sa labas, kain tayo duon'' yaya naman ni Cynthia.

''Duon nalang tayo sa lugawan'' suggestion naman ng One of the girls namin na si Kyle. Napataas ang kilay ko habang ipinapasok ang mga gamit sa loob ng bag.

''Maka suggest kayo para naman kayong may pera'' komento ko sa kanila.

Bigla akong inakbayan ako ni Kyle.

''May kaibigan naman tayong mayaman, diba Chelsy?'' Napanganga ako sa sinabi ni Kyle. 

Tinabig ni Cynthia si Chelsy ''Oo nga, Che. Rich kid ka naman, libre mo kami. Alam naming sa yaman mong 'yan ay hindi ka mawawalan ng pera'' Nakangiting sabi ni Cynthia. Hay, nako, eto talagang mga kaibigan ko.

Umirap si Chelsy at binatukan si Cynthia. 

''Aray ko naman!'' sigaw ni Cynthia sabay hawak sa bandang ulo niya kung saan bumatok si Chelsy.

''Maka suggest naman kayo parang may pinapatago kayong pera sa akin ah!'' 

Mahina akong natawa. 

''Ang yaman mo naman kasi'' wika ko.

''Oo nga, kahit ilibre mo pa kaming lahat dito sa school ay hindi mauubos 'yang pera mo'' dagdag pa ni Kyle.

''Tangina ni'yo ah. Maka request kayo para namang anak ako ng Bilyonaryo!'' sikmat pa niya sa amin.

Nakangiti akong bumuntong hininga at tumayo. ''Tayo na nga'' Umuna akong lumabas sa kanila at sumunod naman sila. 

''So, saan tayo kakain?'' tanong na naman ni Cynthia na mukhang gutom na talaga.

''Hindi ka ba kumain?'' tanong ko sa kanya habang ang tingin ko ay nasa wrist watch ko na binili ni Lolo diyan lang sa gilid ng kalsada. 

''Hindi eh. Nag-aral ako kaninang umaga. Hindi kasi ako nakapag-aral kagabi'' sagot niya sa akin. Alam ko ang ginawa nitong babaeng 'to.

''Hindi ka pa ba tapos sa pinapanood mong K-drama?'' may iritang tanong ni Chelsy kay Cynthia.

''Eh ikaw tapos ka na ba sa pinapanood mong Hentai?'' sarkastikong tanong ni Cynthia na nagpatawa sa amin ni Kyle.

Ang lakas mang-asar ni Cynthia.

''Mga babae kayo pero ang lakas ninyong manood ng ganyang. Erotic 'yan. Masama 'yan'' pangaral pa ni Kyle.

Hindi ako nanonood ng ganyan pero nakanood na ako dahil din kay Chelsy. Nakita ko na kung paano magkaisa ang katawan ng mga lalaki at babae.

Ang sagwa girl!

''Ahh! Kaya pala nahuli ka ng Mama mo na may Porn sa loob ng Gallery mo?'' Hinarang ni Chelsy si Kyle.

Napailing nalang ako. Ang ingay talaga ng mga kaibigan ko. Mauuna nalang ako at ako na ang mamimili ng kakainan namin. Susunod din naman 'yan sila. Duon nalang muna kami sa Canteen, walang masyadong tao duon kasi half day kami ngayon. Half day kami kapag periodical test.

Bumili ako ng makakain at ganuon din ang mga kaibigan ko. Umupo kami sa may upuan na walang nakaupo. Katabi ko si Chelsy at ang magkatabi naman sa kabila ay si Cynthia at si Kyle.

Abelino Pete Felixiano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon