Kabanata 5

5.5K 153 26
                                    

Nakikinig ako kay Chelsy at Cynthia na puro dada ang bibig. Inis na inis sila kay Teacher na nagbigay ng project tapos sa susunod na linggo na ipapasa.

''Ano ba naman kasi to? Nakakainis naman eh! Intramurals na next month tapos may project pa'' reklamo ni Chelsy habang inis na inaayos ang gamit niya. Malapit na kasi ang Lunch break. 

''Marebeth! Ano ba naman to!'' sinigaw ni Cynthia ang pangalan ng Teacher namin. Lahat kami ay nagtawanan.

''Gaga ka! Baka marinig ka ni Ma'am'' sabi ko habang tumatawa. 

''Patay ka talaga, Cynthia!'' pananakot ng isa kong classmate. Nagtawanan ulit kami.

''Kasi naman eh! Nakakainis!'' inis niya pang untag.

''Ano nga pangalan ni Ma'am?'' pang-aasar na tanong ni Chelsy. Alam ko kung saan 'to patungo.

''Marebeth!'' sigaw ni Cynthia sabay suntok sa hangin. Napatawa kaming magka-kaibigan. Hindi namin alam kung bakit hindi na tumawa ang mga classmate namin pero bahala sila. Nakakatawa naman.

''Luciano, Cuenca at Juarez'' Nawala ang mga ngiti namin sa labi at napalitan ng kaba nang marinig ang boses ni Ma'am.

Shit!

''Oh, shoot!'' Mahinang untag ni Chelsy.

''To the Discipline Office'' 

Napalingon kami sa likod namin at nakita si Teacher. Napangiwi ako. Patay ako nito kay Lolo.

Wala kaming nagawa kung hindi ang sumunod. Ang hindi lang nasali sa amin ay si Kyle na hindi pumasok sa klase dahil may practice sila para sa Basketball. 

Tahimik kaming naglalakad habang sumusunod sa aming Teacher. Kaya pala tahimik mga classmate namin kanina. Di manlang sinabi ng mga gago! Hinayaan talaga kaming mga POD.

''Kasi naman eh, Cynthia!'' inis na sabi ni Chelsy kay Cynthia.

Nginiwian ni Cynthia si Chelsy. ''Wow kung maka blame! Kung hindi mo ako tinanong kung anong pangalan ni Ma'am ay sana wala tayo dito!'' gigil na sabi ni Cynthia.

Bumuntong hininga lang ako at hindi nalang nagsalita. Natatakot ako para sa scholarship ko. Baka matanggalan ako ng scholarship. Ayon lang ang inaasahan ako. Kapag nawalan ako ng scholarship ay kailangan kong lumipat sa Public School. Okay lang naman pero gusto ko dito kasi pinlano namin 'to ni Papa eh na dito ako mag-aaral. Gusto kong tuparin iyon para kay Papa.

Pagdating namin sa POD ay agad kaming umupo kaharap ng Teacher.

''Ano na namang ginawa nila?'' tanong ni Teacher Beatrice na siya ang nagpapagalaw ng POD.

''Nagsumbong ang Mayor nila sa akin na pinagkukutya nila ang pangalan ko. Eto talagang mga bata to ay hindi na natuto'' problemadong sabi ni Teacher Marebeth.

Nagkatinginan kaming tatlo nina Cynthia at Chelsy. Nababasa ko na ang laman ng utak nila. Alam kong may gagawin sila sa Mayor namin mamaya pagkatapos nito.

''Ikaw ba, Ms. Juarez gusto mo ba talagang matanggal sa Scholarship mo? Hindi pa nawawala ang record mo dito galing sa away mo tapos may bagong record ka na naman''

Napakagat ako sa labi ko. Huwag naman po. Huwag scholarship ko, promise magpapakabait ako.

Tumingin ako kaagad kay Teacher Beatrice ''T-teacher, huwag naman po'' pagmamakaawa ko.

''Eh hindi ka naman nakikinig Juarez eh, wala pang isang buwan noong huli kang pumunta dito tapos ngayon nandito ka na naman'' sabi ni Teacher Beatrice sa akin. Napayuko ako.

''Ma'am, huwag mo pong isali si Ali dito, kami lang po talaga ni Cynthia'' sagot ni Chelsy. 

''Ang sabi sa akin ng Mayor ni'yo ay kasali si Ali'' sabi naman ni Teacher Marebeth,

Abelino Pete Felixiano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon