"Ang Kwento ng Mapag-isang Pusa"
Sa panahon ng napakamodernong mundo, nang pwede nang magsalita ang mga hayop at maaari nilang kausapin ang mga tao ay may isang pusang nagngangalang "Mining" na isang kuting.
Siya ay mahiyain at hindi gaanong nagsasalita kaya naman ang akala ng iba niyang kalahing pusa ay mayroon siyang kapansanan gaya ng pipi.
Si Mining ay walang kaibigan sa kanilang paaralan kaya lagi siyang mapag-isa.
Siya ay nalulungkot sapagkat nakikita niya ang kanyang ibang kaklaseng may kaibigan.
Minsan naman siya'y nakihahalubilo sa kanila ngunit hindi siya pinapansin ng kanyang ibang kaklaseng pusa.
Sa madaling salita, iniiwasan siya ng kanyang mga kaklase dahil hindi nila ito gustong kausap at maging kaibigan.
Iniisip niya sa kanyang sarili kung bakit hindi nila ito pinapansin at maging kanilang kaibigan.
Hanggang sa isang araw nanaman ang dumating ay pumunta nanaman si Mining sa kanilang paaralan para mag-aral.
At doon ay hinarang siya ng mga tatlong mapang-aping mga pusa, at ang mga iyon ay ang kanyang mga kaklaseng lalaki na malalaki ang katawan kaya doon siya pinahirapan.
Sinaktan nila si Mining ng walang kaawa-awa.
Nakita nito ng kanyang guro kaya naman pumunta sila sa Guidance Office.
"Bakit ba ninyo inaaway si Mining," sabi ng kanilang guro na si Miss Caty.
Nagsalita ang isa sa mga bully at sila'y nagsinungaling.
"Inaway po namin siya dahil kinuha niya ang aming pera," sinungaling na sinabi ng isang mapang-api.
"Opo, ma'am ginawa lang namin iyon dahil sa kanyang ginawang pagnanakaw," sabi ng isang kasama.
"Ma'am at saka ginawa namin iyon para turuan siya ng leksiyon," sabi naman ng isa pa nilang kasamaan.
"Totoo ba iyon, Mr. Mining?," tanong ng kanyang guro.
"Ma'am hindi po. Ang sabi ng aking magulang ay huwag akong gagawa ng masama sa aking kapwa gaya ng pagnanakaw, kaya naman ang utos ng aking magulang ay sinusunod ko kaya sa madaling salita hindi ako nagnakaw," ang sagot ni Mining sa kanyang guro.
"Ma'am nagsisinungaling po siya. Ninakaw niya po ang aming pera kaya naging kawawa kami kanina. Wala kaming baon," sabi ng mapang-api.
"Paano ko naman nanakawin ang inyong pera kung ang pitaka at ang locker ninyo ay nakakandado at may laman pang password? Paano ko mabubuksan ang napakahigpit at napakahirap na buksang wallet at locker? Kaya kahit nakawin ko pa iyan ay wala rin naman akong makukuhang pera ngunit hindi ako ganyang pusa. Dahil sa isipan ko ay huwag dapat kunin ang pagmamay-ari ng iba, ang pagmamay-ari ko lang dapat kong kunin o galawin," sabi ni Mining.
BINABASA MO ANG
"My Fables" (Completed)
Fantasy#1 fable #1 pabula #1 lessonlearned This is my first fable book. This is my own story through my own imagination. I didn't search it online or copy to other short stories fables. I do it on my own as an author of this book. I write or type a shor...