Ito ay Pananaw at Kwento ng Pangunahing Karakter.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Ang Pag-ibig Ko ay Parang Isang Bubuyog"
Simula:
Ngayong araw nga ay papasok ako sa School, mag-aaral, maglalaro, wait lang nag-aaral nga ba ako o hindi?
Syempre naman nag-aaral ako sa School kahit hindi naman ako nakikinig sa klase, ang boring kasi eh, hays, lalo yong math hay naku.
Imbes na math subject sa akin, math-ulog subject ko na, syempre nababagot ako.
Gayunpaman, kahit hindi ako nakikinig, tinatapos ko kaya ang mga homework ko, kaya masipag din ako pero minsan lang.
Ang problema ko lang kasi kung gagana nanaman ang mañana habit ko ay natatambakan ako ng mga ito.
Kaya minsan talaga sumasakit ang ulo ko dahil sa katamaran ko.
Naisip ko na ngang gawin ang mga requirements ko, pero ang problema kasi kapag nakita ko ang cellphone ko, hindi ko nanaman magawa ang aking requirements.
Bakit hindi ko magawa?
Syempre, naiisip kong mamaya nalang, marami pang oras kaya naman naglalaro muna ako nito.
Magdamag akong maglaro hanggang malimutan ko nang gawin ang requirements ko, kaya ngayon araw na ito ng umaga, hindi ko na alam ang aking gagawin.
Napapakalmot na nga ako ngayon sa ulo eh, dahil paano naman kasi hindi ko nanaman natapos ang requirements ko.
Papasok nanaman ako na walang requirements hayss.
Naku! Nandiyan na pala si nanay kanina pa palang nakatayo sa pinto ng aking kwarto.
"Anak! Ano pa ba ang ginagawa mo! Malalate kana naman!."
"Ay, oo ma, inaayos ko lang ang face ko, para pogi naman akong tignan."
"Sige na, pogi na, bilisan mo! Ang dami-dami mo nang multa dahil sa late!."
"Oo, na nga eto na, binibilisan na po."
Syempre binilisan ko at pumunta ako sa School ng wala pang isang minuto dahil katabi lang ng bahay namin ang aking paaralan.
BINABASA MO ANG
"My Fables" (Completed)
Fantasy#1 fable #1 pabula #1 lessonlearned This is my first fable book. This is my own story through my own imagination. I didn't search it online or copy to other short stories fables. I do it on my own as an author of this book. I write or type a shor...