8TH FABLE: TAGALOG

170 19 0
                                    

"Ang Batang Lalaki, ang Aso at ang Ulupong"

Isang araw, may isang batang lalaking matigas ang ulo at hindi niya sinusunod ang kanyang mga magulang.

Ang batang lalaking ito ay mahilig maglakwatsa o gumala kung saan-saan niya gusto.

Hanggang sa sumunod na araw ay pinagbawalan nanaman nito ng kanyang ina na gumala sa labas ng kanilang bahay.

Lalong-lalo na sa bukid, dahil sinabi ng kanyang ina na maraming mga ulupong doon at delekado.

Naglalabasan ang mga maraming ulupong sa oras ng tanghali hanggang hapon.

Kapag nakatulog na kasi ang kanyang nanay pagkatapos nilang mananghalian ay doon siya tumatakas at naglalakwatsa sa bukid para maglaro o magnakaw ng mga mais o pakwan ngunit hindi pa nito nalalaman ng kanyang mga magulang ma siya'y nagnanakaw ng mga ito.

Imbes kasi matulog na kasama ang kanyang nanay ay gumagala ito ng mag-isa kung saan-saan kaya naman dito na nagsimula ang kanilang usapan.

"Ikaw bata ka, bakit ba sobrang tigas ng ulo mo? Gusto mo ba, paluhin kita?" sabi ng kanyang inang nagagalit.

"Sige, paluhin mo ako inay, makukulong kayo dahil sa child abuse!," sabi ng kanyang na batang lalaki.

"Hay naku, sa susunod papaluhin na talaga kita kapag pupunta ka sa bukid. Uhm, mas maganda pala kapag babantayan nalang kita. Simula ngayon matutulog ka na ng tanghali pagkatapos nating mananghalian at hindi ako matutulog dahil babantayan talaga kita!," sabi ng kanyang nanay na nagagalit.

"Uhmm, ayaw ko ang iyong nais! Gusto kung gumala. Bakit iyong napapanood ko sa telebisyon ay laging gumagala pero hindi naman nakakagat ng ulupong?," tanong ng kanyang anak.

"Kapag hindi ka matutulog at gagala ka pa, walang manonood ng telebisyon!," sabi ng kanyang nanay.

"Sige inay, gagala po ako. Kahit hindi ako manonood ng telebisyon, okey lang, mas masaya pa rin ang gumala," sabi ng batang lalaki.

"Sige, ngayon, nagbago na ang aking isip, hindi ka pwedeng manood ng TV at walang gagala, naiintindihan mo anak?," tanong ng kanyang nanay.

"Grabe naman po kayo inay, napakaboring naman po non," sabi ng batang lalaki.

"Kaya kapag hindi ka gagala araw-araw ay pwede ka nang manood ng telebisyon," sabi ng kanyang ina.

"Hindi ko pa rin gusto inay, gagala pa rin ako, ang sayang gumala lalong-lalo na sa bukid" sabi ng kanyang anak.

"My Fables" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon