9TH FABLE: TAGALOG

181 14 0
                                    

Ang kwentong inyong mababasa ay kathang-isip lamang o haka-haka at walang kinalaman sa totoong buhay. Salamat.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Si Drake Sighter at ng Kanyang Matapang na Agila"

Sa panahon ng napakamodernong mundo ay pinag-aaralan ng mga siyentipiko ang isang kababalaghan o hindi pangkaraniwang bagay na tinatawag nilang Human to Animal and Animal to Human Communication Understanding Phenomenon o H.A.A.H.C.U.P.

Ang kababalaghang ito ay pwedeng kausapin ng hayop ang tao sa pamamagitan ng paggamit ng hayop ng salita ng tao para sila'y magkaintindihan.

Pwede ring makausap ng tao ang hayop sa pamamagitan rin naman ng lenggwahe ng tao.

Ayon sa mga siyentipiko ay nakakamangha raw dito sa teoryang ito ay kapag nangyari ang kababalaghang ito sa mga lugar na kahit iba-iba ang lenggwahe ay maiintindihan lahat ito ng mga hayop.

Kaya walang problema sa mga hayop na makipag-intindi sa mga tao kahit iba-iba ang kanilang lenggwahe dahil maiintindihan nila ang mga ito.

Pwedeng magsalita ang mga hayop tulad ng tao kahit iba-iba ang kanilang lenggwahe pero iisa lang ang gagamitin nila sa tao kung iisa ang gagamitin nitong lenggwahe sa pakikipag-usap nila sa nga hayop.

Hanggang sa isang araw ay nagkatotoo ang kababalaghang ito dahil sa palpak na imbensiyon ng isang siyentista na nagngangalang Dr. Quarks.

Ang imbensyon ni Dr. Quarks ay mag-imbento ng isang animal communication device na gagamitin sana para maging isang palamuti sa kanilang leeg.

Kapag nailagay na niya ito sa leeg ng anumang hayop depende sa kanilang laki ay pwede na nila itong maintindihan at makausap.

Pero dahil sa kanyang palpak na imbensyon ay sumabog ang kanyang laboratoryo at ang kulay lila na isang light radiation ay kumalat at nagliwanag sa buong mundo.

Nakita rin ng mga mag-aaral ng mga siyentistang nag-aaral ng H.A.A.H.C.U.P. na ang lilang radiation na ito ay galing sa laboratoryo ni Dr. Quarks dahil lumabas ang mag-aaral sa kanilang sariling laboratoryo.

Ngunit napansin nilang ang lilang radiation na ito ay walang epekto sa mga tao.

Dahil dito ay napapikit na lamang ang siyentista at pagkatapos nito ay nakita niyang nasira ang kanyang laboratoryo at buti nakaligtas siya.

Ngunit nabigla siya sa nangyari pagkatapos nito dahil kinakausap siya ng mga ikinulong niyang mga hayop na eksperimento.

"Pakawalan mo kami dito!," sabi ng ahas.

"Ano, nagsasalita kayo? Imposible," sabi ng siyentista.

Kinausap pa ng ibang siyentista ang mga hayop ng mga ibang lenggwahe ngunit dito siya namangha dahil naiintindihan pa rin nila ito at kaya rin nilang magsalita ng iba pang lenggwahe.

Dahil sa dito ay masaya pa din ang siyentista dahil kahit wala ang device at pumalpak siya ay awtomatik nakakausap na niya ang mga hayop.

Kaya naman pinakawalan ng siyentista ang mga ahas dahil naawa siya rito pero pakakawalan ng siyentista ang ahas basta huwag lang siyang kagatin at sumang-ayon naman ang mga ahas.

Pinakawalan nito sa labas ng laboratoryo.

Ngunit sa kasamaang palad, kakagatin na sana ng mga ahas ang siyentista ngunit nakita nilang babagsak na ang pader ng laboratoryo papunta sa kanila.

"My Fables" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon