Mayroong pamahiin ang mga Pilipino na kapag ang isang tao ay handa na sa pagtungo sa kabilang-buhay ay nangangahulugang nakikita na nito ang maghahatid sa kaniya roon-- mga nilalang na tinatawag nilang Sundo. Ngunit sa pagkakahimbing ng mga ito dulot ng pagbabago sa kasaysayan, ano na lamang ang nangyari sa mundong dapat na kanilang pinamamahalaan?