Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa apat na sulok nang office ni Lolo. Nakadagdag pa sa awkwardness na nararamdaman ko ang tahimik na kapaligiran.
Unang gumalaw sa'min si Mamita. Nag-aalala nyang nilapitan si Mattheo. Hinawakan nya 'to sa braso at may kung anong bimulong na hindi ko narinig.
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang sumikip ang dibdib ko habang nakatitig kay Mattheo. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko hindi sya 'yung Mattheo na nakasama ko sa loob nang halos apat na taon.
Parang bumalik sa'kin 'yung alaala nung unang araw naming pagkikita. Ganyan na ganyan din ang mata nya. 'Yung matang seryoso at kung titingnan ka ay walang pakealam.
"Explain. Mattheo." Mariing utos ni Lolo.
"Why would I?" Walang emosyon nyang tanong.
Hindi naman nakasagot si Lolo. Kita kung nalaglag ang panga nya. Parehas sila ni Mamita na napatitig kay Mattheo. Para bang hindi sila makapaniwala na ganon ang sinagot ni Mattheo sa kanila.
Tumikhim ako. "Ahm. K-Kailan ka pa nakauwi?" I bit my lower lip. Hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong. I'm so curious. Kauuwi pang ba n'ya? O kung hindi ay saan sya nag stay nitong mga nakaraan? Ang dami ko pang gustong itanong kaya lang ayaw nang bumuka nang bibig ko.
Natigilan ako nang dahan-dahan nya kung nilingon. Napalunok ako nang magtagpo ang mga mata namin. At parang gusto ko nang umiyak nang makita ko na naman ang napakaganda nyang mga mata. Parang nawala lahat nang pag-aalinlangan kung iniisip mula pa kagabi. Isang tingin lang nya okay na 'ko. Shucks! Why so marupok?
Pero hindi ko maiwasang malungkot sa kabila nang nakita ko sya. Dahil iba 'yung mga mata nya ngayon. Hindi 'yan 'yung mga mata ni Mattheo nung huli naming pagkikita. Wala na ang mga kislap sa mga mata nun. Dahil ang ngayon, wala kung ibang makitang emosyon sa mga mata nya at sa muka nya.
"It's none of your damn business." Malamig nyang sabi.
Natigilan naman ako habang nakatitig sa kanya. Nang makita nya ang reaksyon ko ay nagiwas sya ng tingin.
"Mattheo!" Sigaw ni Lolo.
I smiled. Okay lang. Ba'ka pagod lang sya sa byahe, kaya ayaw nya ng maingay? Ba'ka may problema dun sa business na pinuntahan nila? Kaya iintindihin ko sya. Ayos lang kahit na sungitan nya 'ko. Basta pagkatapos nito okay kaming dalawa, tulad nung bago sya umalis.
"Okay lang po." Sabi ko kay Lolo bago bumaling ulit kay Mattheo. "Gusto ko lang malaman. Kauuwi mo lang—"
"Shut the hell up!"
Natigil ang sinasabi ko at halos mapatalon ako sa sigaw nyang 'yun. Hindi makapaniwala ko s'yang tiningnan.
Napalunok ako. "I-Im sorry."
Nagulat ako nang biglaang paglapit ni Lolo kay Mattheo. "You shut the hell up!" Tinulak nya si Mattheo.
Gumitna naman agad ang sa kanilang dalawa ang nag-aalalang si Mamita. Inawat ni Mamita si Lolo, hinawakan nya 'to sa braso at hinaplos ang likod.
"Huminahon ka, Victor..."
Hindi sya nilingon ni Lolo at nanatiling mariin ang titig kay Mattheo. Habang si Mattheo naman ay nakatayo lang din at seryosong nakababa nang tingin.
"What's the meaning of that scandal of yours?!" Sumigaw na naman si Lolo.
I heard Mattheo sighed. "That's...nothing..." Kibit balikat nya.
Napangiti naman ako. Tama. Sabi ko na, eh. Wala lang 'yun, 'di ba, Mattheo? Sabihin mung may gusto lang na sumira sayo at edited ang video na 'yun. Kahit anong dahilan, basta magpaliwanag ka...tatanggapin ko.
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]
General FictionUnexpected series #1 Zeatrice is living a life just like a peaceful ocean together with her family and friends. She is the kind of girl who always prioritizes her loved ones more than herself. Pero ang mapayapa niyang buhay ay biglang nagbago ng ip...