=42=

2K 45 11
                                    

"Kung para sa'yo, hindi mo ako asawa..." Aniya habang nakatitig parin sa mga mata ko. Sobrang lapit namin sa isa't isa na amoy na amoy ko na ang hininga nya. "Where both freaking different, cuz for me...you are my damn wife." Mas lalong pumungay ang mga mata nya.

Napasinghap ako ng mas lalo pa nyang idiniin ang sarili nya sa'kin. Titig na titig kami sa isa't isa habang nakasandal ako sa kotse nya at nakakulong sa mga bisig nya, napanood ko lahat ng expresyon nya habang mas lalo pang lumalapit sa'kin.

Kasabay ng paglapat ng bibig nya ay ang paglagabog ng dibdib ko. Kung hindi nya lang ako nakasandal ay baka natumba Namo dahil sa panglalambot ng mga tuhod ko.

Napapikit ako ng maramdaman kung gumalaw ang mga labi nya sa labi ko. Napahawak ang isang kamay ko sa matino nyang mga dibdib, at ang isa at sa matigas nyang braso.

Gusto ko s'yang itulak kaya lang namalayan ko nalang ang sarili ko na tumugon sa mga halik nya. Ramdam ko ang pagngisi nya habang naghahalikan kami.

Mas lalo akong napadikit sa kanya ng ipulupot nya ang braso nya sa bewang ko at hapitin ako papalapit sa kanya.

Nang dahil doon ay medyo natauhan ako. Nanlaki ang mga mata ko at agad s'yang itinulak. Pero dahil sa panlalambot ko sa halikan namin ay bahagya lang s'yang lumayo.

Akmang ilalapit nya ulit ang muka nya sa muka ko para mahalikan ako ay umiwas ako. Hinawakan nya ulit ang baba ko para mapalingon ako sa kanya.

Kita ko ang pagkakunot ng noo nya. Ang mas lalong pumungay nyang mga mata nya at kita kumikislap ang mga ito dahil sa paghahalikan namin, at ang basa at mas lalong mapula nyang mga labi.

"Why?" Hinaplos nya ang gilid nang labi ko gamit ang hinlalaki nyang daliri. "Why do you stop? Wife?" Malambing nyang tanong.

I cleared my throat. "This is so so wrong..." Tinulak ko ulit sya para tuluyan ng makalayo kaya lang hindi nya nagpatinag.

"Why it is wrong?" Aniya habang nakatitig pa din sa mga labi ko. "Tell me, Wife? Why it is wrong?"

"I-I-I..." Hindi ko alam kung bakit ako nauutal.

"Hmm?" Ungot nya at ngumisi.

Pumikit ako ng mariin. Hindi ako makapgisip ng maayos dahil sa alak sa sistema ko. Kanina pa umiikot ang paningin ko. Dagdagan pa ng mga pinaggagawa sa'kin ni Mattheo.

I sighed heavily and bit my lower lips. Kita ko ang pag-igting ng bagang nya.

"Wife? Do you want to come with me...?" Aniya at muli akong hinapit.

Tinulak ko ulit sya. "S-Stop it!" Bahagya lang kaming lumayo sa isa't isa. "I have a fiance... I have S-Stanley now!"

Mas lalong umigting ang panga nya at tumitig sa mga mata ko. "I don't care 'bout that Kano!"

Kumunot ang noo ko. "You don't need to care with him, Mattheo." I said. "Cuz I care for him. I don't want to hurt him..."

Dumilim ang titig nya at pumikit, pagdilat nya ay mapungay na ang mga mata nya, mas lalo na kumislap, para bang naiiyak na sya.

"I j-just want you to come with me? W-What's wrong with that?" Nanginig ang boses nya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng dahil don. Tiningnan ko sya ng mabuti at kita ko ang hinanakit sa mga mata nya.

"We both drunk." Tuluyan ko na s'yang itinulak, at dahil medyo nanghina ang pagkakahawak nya sa'kin ay nakalayo na ako. "Ihatid na mo ako..." Sumakay na ko sa passenger seat.

Medyo matagal naman bago sya sumunod sa'kin. Pagkasakay nya ay tumingin sya sa'kin gamit pa rin ang mapupungay nyang mga mata.

"Zea..."

MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon