=8=

2K 49 0
                                    

I can't believe how time flies so fast. Feeling ko ay dinaya ako. Feeling ko ay isang araw pa lang ang nauubos pero pangatlong araw na pala. Siguro ganon talaga, kapag masaya ka o 'di kaya ay nage-enjoy ka ay 'di mo mamamalayan ang oras.

Totoong nag-enjoy ako sa tatlong araw na magkasama kami ni Mattheo. Enjoy s'yang kasama. Halos lahat ng activities dito sa Palawan ay nasubukan namin.

Masaya ako kasi hindi na nya ko sinusungitan at minsan nalang din sya mag suplado sa'kin. Masaya din ako dahil kahit paano ay medyo naging kumportable na kami sa isa't isa. Although hindi pa kami masyadong close. Pero alam 'ko na malapit na 'yun. Malapit na 'rin kami maging magkaibigan. Okay na sa'kin kahit maging magkaibigan lang ang turingan namin, at hindi mag-asawa.

Katatapos lang namin kumain ng dinner. Andito kami sa may balcony. Parehas naka-upo. Nakatanaw sa payapang dagat. Gabi na kaya malamig na ang simoy ng hangin.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at ipinatong don ang muka ko. Pumikit ako at dinama ang masarap na simoy ng hangin. Naramdaman ko naman na tumayo sya pero hindi ko na sya pinansin.

Unang tumama sa napakagandang kalangitan ang mga mata ko ng idilat ko ito. This is my favorite scenery. The stars. How I love stars.

Naputol lang ang pag stargazing ko ng dumating si Mattheo. Meron s'yang mga dala. Nakasampay sa balikat nya ang isang kumot. Hawak naman sya sa magkabilang kamay nya ang isang bote ng beer at isang bote ng vitamilk.

Inabot nya sa'kin 'yung bote ng vitamilk, kaya kinuha ko 'yun. Umupo naman sya sa tabi ko. Inilapag nya muna 'yung beer sa tabi. Nagulat ako nang isampay nya sa balikat ko ang dulong bahagi ng kumot, at 'yung kabilang dulong bahagi nito ay nakasampay sa balikat naman nya. Kaya halos magkadikit kami.

Ilang minuto pa naghari ang katahimikan, bago ako nagpasyang basagin 'yun.

Uminom muna ko bago magsalita. "May tanong ako.." Ani ko, sabay tingin sa kanya. Nagiwas tingin naman ako ng lumingon din sya sa'kin. "A-Anung dahilan mo..B-Baket ka pumayag sa k-kasal?" Tanong ko ng 'di sya nililingon.

"Hmm..." Uminom pa muna sya bago magsalita.

"Ikaw? Anong dahilan mo?" Balik nya tanong.

Napalingon naman ako sa kanya ng nakalukot ang muka.

"Ang hilig mong sagutin ang tanong ko ng tanong din!" Inis na ani ko. Mahina naman s'yang napatawa.

Napapansin ko talaga 'yan sya kapag magtatanong ako. Tanong din ang isasagot nya sa'kin!

"Seryoso kasi!"

"Ikaw muna ang unang magsabi."

"Ako kaya ang unang nagtanong!"

"Ganon ba 'yun?" Bored na aniya.

"Oo kaya! For example..Paano kung tanongin ka ng teacher mo! Sa recitation.. Sasagutin mo 'din ba ng tanong ang tanong nya? S'yempre hindi!  At ito pa ang isang example! Pano kung may test kayo.. S'yempre puro tanong 'yun! 'Na dapat mong sagutin ng tama! Hindi 'yung sasagutin mo ng tanong ang tanong din?" Tuloy-tuloy na ani 'ko may kasama pang kumpas ng kamay.

Parang tuwang-tuwa naman sya na nakatingin sakin.

"Gets mo ba?!" Nanlalaki ang nga matang tanong ko.

"Y-Yeah.. Yeah!" Natatawang ani nya, may kung ano pa nga s'yang binulong kaya lang hindi 'ko na narinig.

"Anong dahilan mo?" Seryoso na tanong ko.

"I have my reason. But I want to know first what's yours." Seryoso aniya.

"Pero ako ang unang nagtanong!" Giit ko.

MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon