PROLOGUE

7.5K 103 2
                                    

"Mommy, can I have one more, please?" Kwyrette said. "Pretty please..."

Napangiti ako sa dahil sobrang cute n'ya. She looks like a living barbie doll. Just like her mom.

We are here in Karen's house in the U. S. celebrating New Year's Eve. And it has been five years since I left the Philippines. My first two months here weren't easy. I was so depressed at that time. I cut all the connections I have from my family and friends. I deactivated all my social media accounts.

Good thing that Karen's here. We helped each other to heal again. And I'm so proud of us, especially of course to myself. Because I overcame all those dark days.

Pero kahit na naging masakit para sa akin ang mga nagdaang taon. Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng mga desisyon ko.

Mula sa pagpayag ko sa utos ng mga magulang ko. Hanggang sa makilala ko s'ya, at sa mga nagdaang taon na kasama ko s'ya ay nahulog ako sa kanya.

Minahal ko maging ang pamilya n'ya, kaya nalulungkot ako sa kinahinatnan ng lahat. Sa biglaang pagkawala ng lahat.

Pero siguro, ako lang ang nanghihinayang sa lahat. Panghihinayang dahil nawala ko ang sarili kong pamilya para lang maisalba s'ya. Maisalba ang pamilya nila.

Ang tanging natira lang sa 'kin sa pag-alis ko ng Pilipinas ay ang sarili ko.

Pero sa lahat ng sakit na 'yon, mas nakilala ko ang sarili ko at mas lalo akong naging matatag

Marami rin akong napagtantong mga bagay-bagay, habang namumuhay ako mag-isa. Napagtanto ko na kapag nasaktan ka, umiyak lang tayo nang umiyak, iyak lang hangga't gusto natin. Hayaan natin ang mga mata natin na ilabas lahat ang sakit na nararamdaman natin, hayaan nating tumulo ang mga luha natin sa kumot at unan na naging sandalan natin sa oras na nasasaktan tayo.

Hayaan nating patulugin tayo ng mga sarili natin sa mga unan at kumot nating basa dahil sa luha natin. At sa muling paggising natin, hayaan natin ang sarili nating umiyak muli. Hayaan natin ang mga mata natin na ipatak lahat nang mga luha natin hanggang sa kaya na ulit nating ngumiti at tumawa dahil ang bawat pag-iyak natin ay nagpapatunay na naging matapang tayo, dahil tinanggap natin lahat nang sakit.

Hayaan nating masaktan tayo hanggang sa maramdaman nating ang mga luha natin mismo ang hihilom sa mga sugat natin. Kaya naman ngayon, hindi na 'ko natatakot umiyak.

I chase my dreams. I studied again, to become a pilot. And now, I have achieved it. For the past few years, I have also worked as a secretary while I was studying.
Hindi naging madali sa 'kin ang lahat, pero dahil gusto ko ang ginagawa ko naging masaya ako.

"Zea?" Napalingon ako sa tumawag sa 'kin.

"Hmm?" I asked and sipped on the glass of my wine

"Are you sure, with your decision?" Stanley asked. He's the cousin of Karen. He's my boyfriend as well.

S'ya ang sumundo sa 'min ni Karen noon sa airport, pagdating namin dito sa U. S. Magaan ang loob ko sa kanya. He's always here for me, hindi n'ya ko iniwan noong mga panahon na walang-wala ako

MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon