Ang kabanatang ito ay Rated S!P!G!
Maaring may maseselang Tema, Lengguwahe, Sexual na hindi nararapat sa mga batang mambabasa. Pero dahil Wattpader ka, babasahin mo 'to. Dahil pag may Warning mas exciting! ;-)Charott! HAHAHAH
R18: READ AT YOUR OWN RISK.
♥♥♥
"Wahhh..." Sabay-sabay namin reaksyon ng mga kaibigan ko pagpasok nang bar.
Medyo natagalan pa nga kami dahil ang daming arte ni Mattheo. Gusto pa nyang magpalit ako ng damit. Pero syempre dahil mabait ako, hindi ko sya sinunod.
Medyo nauuna samin sila Charlotte. Nasa tabi ko naman si Mattheo, nakakapit ako sa braso nya. Sa gilid ko ay si Kiana na nakahawak sa kamay ko, halatang kinakabahan sya. Sa gilid nya naman ay si Rea na nakakapit sa braso nya. Tapos si Patrice at si Abi. 'Yung iba kung mga kaibigan ay nasa likod namin, magkakahawak din ng kamay. Para kaming takot maiwan mag isa dito. Sa pinakalikod namin ay sila Jehiro.
Ang ganda ng bar! Pagpasok pa lang namin ay sumalubong na samin ang malakas na music at mga taong sumasayaw sa dance floor. Namangha ako sa mga ilaw na gumagalaw.
Dahil nauna samin sila Charlotte ay nakikita kung kilala na sila dito, marami kasi ang bumabati sa kanila. Kahit kay Mattheo at Jehiro. Madalas ata sila dito, ah?
Dumiretso kami sa isang private room, malaki 'to at kasyang kasya kaming lahat. Magkakatabi kaming magkakaibigan. Humiwalay muna ako kay Mattheo para naman makapag enjoy kami. May mga alak agad na dumating at marami din silang inorder na foods! Namangha ako sa dami ng alak. Iba iba 'yung kulay at laki no'n! Hindi ko alam kung anong pangalan o tawag sa 'yun!
"Beer nalang muna ang iinomin namin. Hindi sila sanay sa ganyan." Si Ash.
"Beer muna." Tumayo na si Patrice at Mj para kumuha.
May hawak na agad na mga alak sila Charlotte. 'Yung ibang mga kaibigan ko ay pag-kain ang kinuha.
"C'mon guys! Let's enjoy the night! Si Karen na binigyan kami ng drinks. "Cocktail!" Pumunta sya sa may pintuan at bahagya 'yung binuksan. "Wohooo!" She exclaimed.
Tiningnan ko naman ang hawak kung cocktail drink at nag-angat ng tingin at nakita kung nakatitig sa'kin si Mattheo, may hawak na din s'yang alak. Naka igting ang panga habang mariin ang titig sa'kin. Pinagtaasan ko sya ng kilay.
Napabaling ako kay Kiana ng umupo sya sa tabi ko. May hawak din s'yang drinks, ngumuso sya sa sa'kin.
Ngumisi ako. "Ayaw mo ba?"
She sighed and shook her head. "Nope. I wanna try, but kinakabahan ako!"
"Same, same."
Nilingon ko ang mga kaibigan ko. Nagsimula nang uminom si Ash, Patrice at Mj. Sila Nicole naman ay medyo-medyo lang at panay ang pulutan.
"Inom na guys!" Hiyaw ni Mj.
Tinaas ni Patrice 'yung glass nya at sumunod si Ashley. "C'mon!"
Tumawa kami at sumunod na din. "Sheeeerresss!" Sabay sabay naming hiyaw. Napatingin tuloy sa'min sila Charlotte at ngumisi.
Sabay sabay namin 'yung ininom at napangiwi. Pagkaubos namin ay inabutan agad kami ng bago. Nagkwentuhan kami ng kung ano-ano. Nag picture na din para remembrance daw. Habang inuubos ko 'yung pangalawang baso ay napatingin ako kay Mattheo. Nagsasaya 'yung mga kaibigan nya tapos sya binabantayan ako.
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]
General FictionUnexpected series #1 Zeatrice is living a life just like a peaceful ocean together with her family and friends. She is the kind of girl who always prioritizes her loved ones more than herself. Pero ang mapayapa niyang buhay ay biglang nagbago ng ip...