=22=

1.5K 33 0
                                    

Mag-isa lang ako dito sa kwarto namin ni Mattheo. Friday na ng hapon. Napakadapa ako sa kama at hawak ang cellphone ko. Nag scroll ako sa Facebook.

Isang araw na mula nung panoodin namin 'yung movie. Hinuhuli ko si Mattheo at Aliah pero wala naman akong napapala. Ang galing nilang umarte, o baka wala naman kasi talaga at paranoid lang ako?

Napabalikwas ako ng bigla nalang lumagabog 'yung pintuan ng kwarto namin ni Mattheo. Pabalibag 'yung binuksan. Kinabahan ako nung una pero nang makita ko kung sino 'yung may gawa non ay sinimangutan ko sya.

"Pa'no ka nakapasok?"

Lumapit sya sa'kin nang nakangiwi. "May ginagawa si Manang kaya pina-tuloy nya na 'ko."

Humiga ulit ako. "Baket. Ate Dame?"

Nagulat ako ng hilain nya ko patayo. "Bangon dyan! Magda-date tayo!" Aniya habang hinihila-hila ako.

"Date?" Kunot noo kung tanong.

"Oo bilis!"

Tamad akong umupo ulit sa kama. "Aalis pa tayo?"

Pinanlakihan nya ko ng mga mata. "Alangan naman!"

"Ihhh...tinatamad ako!" Maktol ko at nahiga ulit. "Dito nalang tayo..."

Nagsalubong ang kilay ni Ate Dameple. "Wag kang tamad!" Aniya at hinila ako patayo. "Halika!" Hinila nya ko hanggang sa walk in closet ko.

"Anong gagawin naten dito?" Nagtataka kung tanong pagpasok  namin.

"Magbihis ka..." Aniya habang nililibot 'yung tingin nya. "Ang panget mo..." Humarap sya sakin ng nakangisi.

Nagsalubong ang kilay ko sa inis. "Bahala ka! Hindi ako samama!"

"Wag kang pabebe!" Aniya at umirap. "Ako na ang pinili ng damit mo. Maligo kana." Tinulak nya ko papunta sa cr. "Ang baho mo!" Ngisi ulit nya.

"Wower, ah! Kanina ka pa nanglalait, Ate Dameple!"

Hindi nya pinansin 'yung mga sinasabi ko. Inis akong pumasok sa bathroom ko. Habang naliligo ako ay katok sya ng katok, sinasabing bilisan ko daw. Para makaganti mas lalo ko pang tinagalan. Halos isa't kalahating oras ako sa loob. Naka bath robe lang ako ng lumabas. Hindi na ko nagulat ng masama ang tingin nya sakin.

"Ba't parang naiinis ka?" Inosente kung tanong na lalong nagpainis sa kanya.

"Whatever, Kupal..." Irap nya. "Suotin mo na 'to..." Tinuro nya 'yung simpleng spaghetti strap white dress ending inches above my knees.

Ngumuso ako. Maganda. Simple but elegant. Madaming dress sa closet actually, hindi lang dress. Halos sumabog na nga sa sobrang dami ng mga magagandang damit. Kaya nga lang minsan ko lang suotin. Kaya 'yung mga hindi na kasya sa'kin ay binigay ko nalang sa mga pinsan o kaya kaibigan ko,  'yung iba naman dinonate ko nalang.

Lumapit ako kay Ate Dameple at kinuha 'yun. Tiningnan ko sya at kumunot ang noo ko ng makitang naka simpleng Red t-shirt and pants lang sya.

"Pili ka nalang din ng damit. I won't mind."

Umiling sya. "Ganto lang ako..." Aniya at nagiwas ng tingin.

Tumaas ang kilay ko. "Ba't ako mag-d-dress?"

"Basta! Suotin mo nalang 'yan!" Nanliit ang mga mata ko sa kanya dahil medyo natataranta sya.

"Hmm? Ano kayang meron?" Hinuhuli ko ang mga mata nya pero umiiwas sya.

"Magbihis kana!" Aniya at lumabas.

Tumaas ang kilay ko at nagkibit balikat. Nagbihis nalang ako kahit na medyo nagtataka. Ano kayang meron?

MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon