=2=

2.9K 49 2
                                    

Hindi ko inangat ang mga mata ko, pero ramdam ko ang gulat ng mga Montreal, maybe for them Mama is a bit harsh, but for me, I'm used to it.

"I'm sorry. I think we need to go, para makapagusap kayo." Nagpaalam na sila.

Hinatid sila ng mga magulang ko sa gate. Tulala ako at kasing gulo ng buhol-buhol na sinulid ang utak ko.

Ang namalayan ko nalang ang paghawak ni Mama sa kamay ko. Nakabalik na pala sila ni Papa, nasa harap ko na sila nakaupo. Nang nag-angat ako ng tingin, ang seryoso nilang mukha ang bumungad sa 'kin, nangangahulugan na hindi talaga sila nagbibiro.

"You can ask us, anything." Papa's voice broke the silence between the three of us.

"Yeah, just ask, but don't break what we want. You will marry Mattheo, whether you want it or not." ang istriktong boses ni Mama at ang mga sinasabi n'ya ay nagpabagsak sa buong sistema ng pagkatao ko.

"Pero bakit po? 'di ba't kayo na rin ang nagsabi na taposin ko muna ang pag-aaral ko, bago magpakasal?"

"Makakapag-aral ka naman kahit kasal ka na."

I nodded. "May isa pa 'kong tanong. Bakit kailangan kong magpakasal?"

"Para makabayad tayo ng utang na loob sa pamilya nila. Ang mga magulang ni Mattheo, ang tumulong sa 'min makapag-aral. Nakaahon sa kahirapan ang pamilya natin dahil sa tulong nila."

"Bakit gusto akong ipakasal ng grandparents ni Mattheo sa kanya? Maraming ibang mayaman na babae, 'di ba?" naguguluhan ko pa ring tanong.

Mama sighed, mukhang nahihirapan s'ya sa pagpapaliwanag. "Your Mamita and Lolo, wants us, to handle their company."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Hindi ko pa rin po maintindihan, bakit hindi sila ang mag-manage o ang parents ni Mattheo?"

Ilang saglit silang hindi nakasagot, nagtagpo ang mga mata ni Mama at Papa, animong nag-uusap gamit ang isip nila. Isang nakakabinging katahimikan ang namutawi ulit sa 'min.

"Mattheo's parents are dead 10 years ago," My lips parted slightly because of what Papa had said.

Kaya pala, parang hindi na marunong ngumiti si Mattheo. Siguro akong masakit ang pinagdaanan n'ya. Labag man sa loob ko. Dahan-dahan akong tumango bilang pagpayag sa gusto nila.

"Sige po, magpapakasal 'ko."

Sabay na kumislap ang mga mata ni Mama at Papa dahil sa pagpayag ko. Umukit ang malawak na ngiti nila sa labi.

"I know from the start na papayag ka, you don't want to disappoint us."

Lumunok ako sa salitang narinig ko. Gusto kong sumagot, pero ayaw bumuka ng bibig ko, at walang lumalabas na salita. Hindi naman nila ako binigyan ng choice na pumili, alam kong kahit umayaw ako, ipagpipilitan pa rin nila.

MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon