"Tapos na po, Ma'am.."
Ngumiti ako sa make-up artist at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin.
"Napakaganda nyo po..." Namamangha na sabi ni Ate'ng make-up artist.
Mahina akong natawa. "Wala po akong barya.."
Natawa din sya sa sinabi ko. "Totoo po 'yun, Ma'am. Ang ganda nyo po."
Ngumiti nalang ako sa kanya at hindi na sumagot. Pinagmasdan kung mabuti ang itsura ko sa para malaman kung totoo nga 'yung sinasabi ni Ate'ng make-up artist.
Nakasuot ako ng off shoulder champagne dress na sayad hanggang sa paa ko. Sa may dibdib may mga nakalagay na crystal pababa hanggang sa may bewang. May hati din 'yung sa ibaba kaya kapag gumalaw at lumakad ako ay makikita ang hita ko. May suot din akong four inches heels sa ilalaim ng dress. Nakakulot din ang mahaba kung buhok at may medyo makapal din ang make-up. Nagmuka akong mature sa ayos ko ngayon.
Mas maganda pa ko ngayon kesa sa mga prom noong highschool ako! Pwede naman pala akong paayusan nila Mama ng ganto! Ba't nung mga nakaraan, muka akong nene sa ayos ko!
Napatigil ang pagtitig ko sa sarili ko ng may kumatok sa walk in closet ko. Si Ate'ng make-up artist na ang nagbukas no'n.
"Let's—" napatigil si Mattheo ng mapagmasdan ang kabuuan ko. Nakita kung napapalunok sya habang paulit-ulit akong tinitingnan.
"Alis na ba tayo?" Dahan dahan na kung tumayo. Agad naman akong inalalayan ni Ate'ng make-up artist.
Nang makatayo na 'ko ay sya naman ang napagmasdan ko ng buo. Hinagod ko sya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot sya ng three piece black suit at kakulay ng suot ko anng tie nya. Ang gwapo nya...
Kahit anong isuot nya naman talaga ay bumababagay sa kanya. Palaging ang linis at ang gwapo nyang tingnan. Kaya nga lang 'yung ugali nya ang 'di ko maintindihan. Kahit na halos isang buwan ko na s'yang nakakasama hindi ko pa din makuha 'yung ugali nya. Pa-iba-iba kasi sya ng mood! Daig pa nya 'yung babae na meron! Minsan mabait at gentleman sya sakin, minsan din mapang-asar at sinasakyan 'yung mga trip ko. Pero mas madalas s'yang seryoso, masungit at suplado! Pero kahit na ganon...iintindihin ko nalang sya. Kasi siguro ganyan sya dahil sa mga pinagdadaan nya sa buhay. Katulad nalang 'yung pagkamatay ng parents nya. Maaga s'yang naulila at nawalan ng mga magulang. Kahit pa sabihin natin na andyan ang grandparents nya, iba pa din 'yung alaga at pagmamahal nang mga magulang natin. Kaya naman bilang asawa nya 'kuno', kahit hindi namin 'to gusto...iintindihin ko sya palagi, dahil alam kung hindi madaling maiwan mag-isa. Dahil kahit ako, mas gugustuhin ko pang sundin ang mga utos ng mga magulang ko kahit na labag sa loob ko...kesa naman 'yung mawala sila sakin. Hindi ko 'yun kakayaninat baka mabaliw ako. Kaya humahanga talaga ako sa kanya. Kasi nakayanan nyang magpatuloy sa buhay kahit na wala na ang dalawang pinaka-importeng tao sa buhay nya. Isa 'din 'yan sa dahilan kung bakit ako pumayag sa kasal, bukod sa utos ng parents ko. Dahil gusto ko s'yang tulungan at damayan sa lahat ng problema na haharapin nya habang magkasama kami.
"Ba'ka matunaw po kayo..." Humagikhik si Ate'ng make-up artist, kinikilig.
Kaya naman parehas kaming natauhan na kanina pa pala namin pinagmamasdan ang isa't-isa. Sabay din kaming nagiwas ng tingin at Tumikhim.
"Le—"
"A—"
Lalo kaming nagkailang nang sabay kaming nagsalita at nagsalubong ang tingin namin. Lalo tuloy kinikilig samin si Ate'ng make-up artist.
Nag-iwas ako ng tingin ngunit pinagmamasdan ko sya sa gilid ng mga mata 'ko.
"Alis na tayo..." Lumakad ako papalapit sa kanya ng nakaiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]
General FictionUnexpected series #1 Zeatrice is living a life just like a peaceful ocean together with her family and friends. She is the kind of girl who always prioritizes her loved ones more than herself. Pero ang mapayapa niyang buhay ay biglang nagbago ng ip...