Mag isa na naman akong kumakain ng almusal. Paggising ko kasi ay wala na naman si Mattheo. Hindi ko alam kung saan sya pumunta dahil hindi naman nagsabi.
Sa tuwing tatanongin ko naman sila Manang ay pang-aasar lang ang nakukuha kong sagot.
Kaya ang boring boring dito sa condo. Tahimik at walang magulo. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako sanay. Ang hirap ng magisa ka lang sa lahat ng mga bagay na gagawin mo. May mga kasama nga ko, sila Manang kaya lang palagi din silang may ginagawa. Gusto ko sana sila na tulungan kaya lang ayaw nila, trabaho daw nila 'yun.
Tinapos ko na ang kinakain ko at ako na din ang nag-husag. Kaunti lang naman 'yung mga nagamit ko kaya madali lang akong natapos.
Umakyat na 'ko sa kwarto. Agad kung ibinagsak ang sarili ko sa kama pagpasok palang. Miss ko na ang mga kapatid ko! Mas gusustuhin ko pang mapagod sa pag-aalaga sa kanila kesa 'yung ganto.
Pupuntahan ko sana sila ngayon kaya lang pinagbawalan ako ni Mama. May mga dapat daw silang gawin at wag ko daw silang istorbohin!
Kainis talaga! Feeling ko itinakwil na nila ko! Wala na ba silang pakealam sa maganda nilang anak?!
Nagpagulong-gulong ako sa kama. "Ang..boring.."
Huminto ako sa pagulong at tumihaya ng higa. Tinaas ko ang pareho kung mga kamay at paa habang inaalog 'yun.
Muka tuloy akong tanga! "Shake!Shake~!" Huminto lang ako ng mapagod na ko.
Umupo naman ako at kumuha ng unan. "AAnngg..bboorriing.." Sinuntok suntok ko 'yun.
Napahinto lang ako ng may maisip ako. Patalon akong tumayo sa kama. Kinuha ko ang phone ko. Ang tanga talaga! Ba't ngayon ko lang naisip 'to? Mahigit isang linggo ko na din palang hindi nakikita 'yung mga baliw kung kaibigan.
Agad akong nag-chat sa group chat naming magkakaibigan.
Zeatrice: Hi, gois. Pwede kayo? Hehe.
Nagreply naman agad sila.
Ashley: Naol may pa ramdam.
Sophia: Nawa'y lahat, pwede.
Patrice: Buhay pa sya!!
Kathryn: Sana everyone, may honeymoon. Ako kasi hugasin-ng-plato-moon.
Marc: Korni! Acchk!
Andrea: Hello everything!!
Nasapo ko nalang ang noo ko habang binabasa ang sunod-sunod nilang chat. Ang layo ng mga pinagsasabi nila sa tanong ko.
Zeatrice: Punta kayo dito. Libre ko lahat.
Agad kung chat bago pa man humaba ang usapan.
Eme-Lene: Sa'n? Sa Honeymoon nyo?
Abi: Rated S!P!G!
Patrice: Pa-inosente ang puta!
Kathryn: Lahat naman kayo madudumi ang utak! Except from the beautiful me~.
Napabuntong-hininga nalang ako. Bagay nga kami maging mag-ka-kaibigan. Pare-pareho na magulo kausap.
Kiana: Sa'n punta? Libre ba?
Napaayos naman ako ng upo. Gosh! Buti nalang may isa pang kalahating siraulo. Lahat kasi ata kami mga buang na!
Lumabas agad ako ng kwarto para sabihan si Manong na sunduin sila. Sakto naman andon silang lahat sa kusina.
"Manong..." Tawag ko agad.
Lahat naman sila napatingin sa'kin. "May ipapagawa mo pa kayo?"
"Wala naman po, baket. Ma'am?"
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]
General FictionUnexpected series #1 Zeatrice is living a life just like a peaceful ocean together with her family and friends. She is the kind of girl who always prioritizes her loved ones more than herself. Pero ang mapayapa niyang buhay ay biglang nagbago ng ip...