=12=

1.6K 31 0
                                    

I now eating my breakfast alone. When I woke up, Mattheo was gone. Manang said he left early.

See? He was angry with me last night because I did not say where I went. But now look at what he did

Hindi naman talaga namin kailangan magpaalam sa isa't isa kapag may pupuntahan kami. Hindi porket kinasal kami ay may obligasyon na kami sa isa't isa. Dahil in the first place hindi naman namin ginusto to eh.

"Zeatrice..." Napatigil ako sa pag-kain at napaangat ng tingin sa tumawag sa'kin.

"Bakit po, Manang?"

"Maayos ba ang iyong lagay?"

Ngumunot naman ang noo ko sa tanong nya. "Maayos naman. Bakit, Manang?"

Hindi nya ko sinagot at umupo sa upuan sa gilid ko.

"Kain po tayo, Manang." Alok ko sa kanya.

"Tapos na ako, Iha."

"Sigurado po kayo.?"

Tumango lang naman sya at ngumiti bilang sagot. "Sabay kami ng alaga ko kanina."

Tumango nalang ako bago nagpatuloy sa pag-kain.

"Narinig ko 'yung away nyo kagabi." Bigla nalang s'yang nagsalita sa kalagitnaan ng pag-kain ko.

Uminom ako ng tubig bago balingan si Manang, tapos na naman ako kumain.

"Pasensya na po pala kayo kagabi."

"Hindi ka dapat sakin humihingi ng pasensya, Iha. Hindi naman namin sinasadyang mapakinggan iyon."

Ngumuso naman ako. Paanong hindi Manang? Eh, halata nga na hininto nyo pa 'yung mga ginagawa nyo para mapanood kami. Para tuloy may instant palabas kagabi.

"At isa pa dapat kay Mattheo ka humingi ng pasensya, Iha."

"Bakit naman po?" Agarang tanong ko. Ako 'yung hihingi ng pasensya dahil hindi nyo naman alam ang buong nangyari. Mas dapat kasi pa na sya ang mag sorry sakin.

"Dahil pinag-alala mo sya."

Nangasim ang timpla ng muka ko dahil sa sinabi ni Manang. Hano daw? Nag-alala? Tologo bo?

I sighed. "Hindi ko naman po kailangan magpaalam sa kanya, Manang."

"Bata pa nga kayo pareho. Hindi pa kayo handa sa buhay may asawa. Pero kailangan nyong dalawa na masanay na may responsibilidad na kayo sa isa't isa. Dahil kasal at mag-asawa na kayo."

Hindi na 'ko sumagot at umiwas nalang ng tingin.

"Aba'y kahapon pagkauwi nya ay ikaw agad ang hinanap nya samin. Hindi naman namin sya masagot dahil hindi din namin alam."

"Hayaan mo na, Manang. Tapos na eh."

"Sabagay. Pero hindi ba't kayo ang magkasama kahapon? Paano kayong nagkahiwalay?" Litong tanong nya.

"Iniwan nya ako sa school, Manang." Parang batang sumbong ko.

Halata naman ang pagkagulat sa muka nya dahil sa sinabi ko.

"Aba'y ang sabi nya ay pinasundo ka nya, dahil may importante daw s'yang ginawa kahapon."

Umirap nalang ako at hindi na sumagot pa. Panong pinasundo? Eh, ako 'yung nagtext kay Manong para sunduin ako! At ano naman kayang importante na ginawa? Ano naman 'yun? 'Yung paggala nila ng mga kaibigan nya? Yeah right, that's important. More important than me.

"Tawag ng tawag din iyon sa iyo kahapon. Pero hindi mo naman daw sinasagot." Pagpapatuloy ni Manang.

"Hindi ko po kasi napansin."

MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon