"Gulat na gulat ka naman..." Ani Mattheo at umupo sa tabi ko.
I sighed heavily and rolled my eyes. Paanong hindi ako kakabahan? Magisa lang ako dito tapos bigla nalang s'yang susulpot?!
"I know that they are so happy right now, cuz you finally pay them a visit." Sa gilid ng mata ko ay kita kung nakatitig sya sa puntod ng grandparents nya.
Ngayon lang kasi ako nagkalakas ng loob. Nahihiya kasi ako kila Mamita, dahil feeling ko nga ay kasalan ko at isa pa, hindi ko natupad 'yung pinangako ko nung namatay sila.
Tumayo ako. Napatingin naman sa'kin si Mattheo.
"Aalis kana?" Tanong nya habang nakatingala.
I nodded. "Yeah." Tatalikod na sana ko ng hawakan nya ang kamay ko.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa nya. Agad kung binawi ang kamay ko. Huminga sya ng malalim at tumayo.
Tumitig sya sa muka ko kaya umiwas ako ng tingin dahil sa pagkailang. He put his hands on his pockets.
"Why are you so cold?" Marahan nyang tanong. "Do you want me to get you warm?"
Ramdam kung uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam kung bakit doble meaning sa'kin ang sinabi nya.
Nagtiim ang bibig ko at bumilis ang pintig ng puso. Pinilit ko ang sarili ko na wag s'yang tingnan pero hindi ko mapigilan, dahan-dahan akong humarap sa kanya at nakasalubong ko ang tingin nya. Kita ko ang kislap sa mga mata nya, at hindi din nakaligtas sa paningin ko ang pinipigilan nyang ngisi.
"Zea...?" Hindi ko alam kung dahil lang sa pag-aasume ko lang o talagang malambing ang pagkakatawag nya sa'kin. "Zeatrice Jeyn."
"Ano?!" I hissed.
He chuckled. Umirap ako. "Ano bang kailangan mo? I need to go na."
Huminga sya ng malalim at muling umupo. Kunot noo ko s'yang sinundan ng tingin.
Tinap nya ang tabi nya. "Sit." Tumingala sya ng hindi ako sumunod. "Sit, Zea. Sit."
Tiningnan ko sya ng Masama. "Ano ako aso?!"
Natigilan sya at tumitig sa'kin. Mahina s'yang tumawa bago tumikhim at sumeryoso. "Bakit mo naman nasabi na aso ka?" Pa inosente nyang tanong.
Hindi ko mapigilan wag mainis. Anong problema nitong lalake na 'to?!
Umupo nalang ako at tumabi sa kanya. Hindi ako nahirapan umupo dahil white blouse and high waist denim pants and sneakers ang suot-suot ko.
Ilang sandali pa kaming natahimik. Wala na naman akong dahilan para kausapin at pakisamahan sya ng maayos.
Noong unang pagkikita namin. At noong mga panahon na nagkakasama kami, kaya ko lang naman s'ya kinakausap at pinakikisamahan ay dahil meron din naman kaming pinagsamahan at magaan ang loob ko sa kanya.
Pero noong malaman ko hindi pala kami talaga kasal. Naisip ko na dapat hindi ako masyadong maging komportable sa kanya dahil ba'ka ayaw nya.
"Are you not comfortable with me, now?" Maya maya tanong nya.
Hindi ako sumagot.
I heard him sighed heavily. "Okay, I get it." Then nodded. "Let's start from start."
Tumingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo. "Huh?"
Tumikhim sya at naglahad ng kamay. "Can we be friends?"
Mahina akong natawa dahil muka s'yang kinakabahan. Napasimangot naman sya ng marinig akong tumawa pero agad ding ngumisi.
"C'mon, Zea. Kahit friends lang!"
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]
General FictionUnexpected series #1 Zeatrice is living a life just like a peaceful ocean together with her family and friends. She is the kind of girl who always prioritizes her loved ones more than herself. Pero ang mapayapa niyang buhay ay biglang nagbago ng ip...