Nablangko ang utak ko kanina dahil sa sobrang pagkagulat, ngayon lang lumabas ang kaba ko, napagtanto kong kamuntikan na kong masaktan o baka mamatay sa kaninang nangyari.
Maagang natapos ang party. Marami nang security at police sa paligid. Maayos na rin ang nahulog na chandelier kanina, inilabas na ito.
Pinapasok na ng mga security ang iba naming guest sa mga sarili nilang suite. Kami ng pamilya ko at ng mga Montreal ay nandito pa rin sa hall. Katabi ko ang mga kapatid kong nakaupo.
Si Mattheo ay dinala sa clinic para tingnan kung nasugatan o may masakit sa kanya. Ayaw pa sana n'ya kaya lang pinilit s'ya nila Mamita.
Uminom ako ng tubig para kumalma. Nag-angat ako ng tingin sa mga magulang ko na kausap ang mga police.
Kunot ang noo ko sa pagtataka, dahil hindi na natapos ang paguusap nila. Baka naman aksidente lang ang nangyari. Luma na kasi ata 'yong chandelier.
But having a second thought, bakit sa mismong tapat ko pa talaga babagsak? Mabuti nalang talaga at naligtas ako ni Mattheo. I owe him a lot, ngayon pati ako ay may utang na loob na sa kanya.
"Let's go." tawag sa 'min ni Mama.
Inalalayan ko ang mga kapatid ko. Habang papunta kami sa suite ay tahimik lang si Mama, mukhang malalim ang iniisip niya kaya hindi ako makapag tanong.
Naiwan si Papa sa baba para mag-asikaso. Pinapasok kami ni Mama sa suite.
"Matulog na kayo. Maaga pa tayo bukas." aniya sa 'min at lumabas.
Pinatulog ko muna ang mga kapatid ko bago ako lumabas. Hindi pa 'ko nakakapagbihis, pero kailangan ko na s'yang maka-usap.
Kumatok ako ng tatlong beses. Bago bumukas ang pinto ng suite nila. Kunot-noo si Mattheo habang pinagbubuksan ako.
Gaya ko ay hindi pa rin s'ya nagbibihis. Mukha namang walang masakit sa kanya.
"Why?"
"Gusto ko lang magpasalamat, kanina sa pagliligtas mo sa 'kin."
"Is that all?"
I nodded. "May alam ka ba sa nangyari kanina? Bakit bumagsak 'yon?"
"That's nothing. Go back to your suite."
Bahagya akong ngumuso. "Okay, nagtatanong lang, eh." bulong ko.
Tumalikod na ko, nakadalawang hakbang palang ako ng tawagin n'ya ko. Nagtatanong ko s'yang nilingon.
"Are you ready for tomorrow?"
Natigilan ako sa tanong n'ya. "Are you?"
He smirked and shrugged his shoulders. "Goodnight, Zea."
I also smirked. "Goodnight, Mat-Mat."
S'ya naman ang natigilan sa tinawag ko sa kanya. At ako naman ang nagkibit-balikat sa kanya. Nakangiti akong bumalik sa suite.
Pabagsak akong nahiga sa kama habang iniisip ang nangyari kanina, dahil sa malalim na pag-iisip ay 'di ko namalayan na nakatulog na ako.
"Zeatrice!"
Pakiramdam ko ay pumikit lang ako kanina. Three in the morning palang, ginising na agad ako ni Mama.
Naliligo ako at kanina pa s'ya katok nang katok. Kaya binilisan ko na ang pagkilos dahil papagalitan na naman n'ya 'ko.
Napakarami nang tao rito sa loob ng suite namin. Inaantok pa talaga ako, pero ang mga taong kasama ko ay buhay na buhay na. Mas excited pa sila sa 'kin at parang nakalimutan ang nangyaring aksidente kagabi.
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]
General FictionUnexpected series #1 Zeatrice is living a life just like a peaceful ocean together with her family and friends. She is the kind of girl who always prioritizes her loved ones more than herself. Pero ang mapayapa niyang buhay ay biglang nagbago ng ip...