=34=

1.7K 37 0
                                    

Hindi ko maiwasang magulat. At alam kung hindi lang ako. Kundi lahat nang nakarinig nang reaksyon nya. Pero ang ipinagtataka ko lang ay bakit ganon sya makapag react?

"His freaking fiance!" Karen's laughed.

Sya lang ang unang nakapag react samin matapos ang pagkagulat nang lahat.

Kinawit ni Katelyn ang braso nya sa braso ni Mattheo. Hindi naman naputol ang paninitig sa'kin ni Mattheo.

"Hi, Ms. Zeatrice Alcantara." Nilahad ni Katelyn ang kamay nya sa'kin. "I'm Katelyn Villarde, The Vice Chairman of MZM Company. Mattheo's fiance also."

Gusto kung sumagot nang 'Tinatanong 'ko ba?' Kaya lang ayaw kung mag mukang childish at unprofessional sa harap nila.

I smiled, my sweetest smiled. 'Yung sa sobrang tamis nang ngiti ko ay magkakasakit na sya nang diabetes.

"Hi, Ms. Villarde." Diniinan ko ang apelyido nya. "It was nice seeing you again." Nagpalitan ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Mas lalo ko tyloy napagmasdan ang kabuuan ni Mattheo.  Mattheo's wearing a light blue button down inner longsleve shirt. He looks more mature now. Hindi na 'yung huling kita ko sa kanya, na muka s'yang basang sisiw dahil sa mga problema namin nun. Ngayon, mas lalo ata s'yang tumangkad, yung mga mata nyang seryosong nakatingin sa'kin. He look so professional. Hindi 'ko man natupad ang pangako ko kila Mamita, mukang may ibang gumawa nun sa apo nila...si Katelyn.

Hindi 'ko maiwasang mapairap nang mapansin kung pareho na naman sila nang kulay nang damit. Cuz Katelyn wearing a pencil skit and a light blue top!

"Hmm, its nice seeing you again..." Si Mattheo naman ang naglahad nang kamay.

Nagtiim ang labi ko at tinanggap 'yun. Napasinghap ako nang bigla nya nalang hilain ang kamay ko papalapit sa kanya. Namilog ang mga mata ko nang kaunti nalang ang maging pagitan namin.

He smirked. Nilibot agad nang mga mata nya ang kabuuan nang muka ko.

"You look more beautiful, my Mrs. Montreal." He whispered that sent shiver down my spine.

Pareho kaming nagulat nang may humigit sa'kin palayo sa kanya. Nakita ko ang madilim na expresyon ni Stanley. Binawi ko ang kamay ko kay Mattheo at binalingan nang husto si Stanley. Hinawakan ko ang braso nya.

"Stan..." Makahulugan ko s'yang tiningnan.

Alam nya lahat nang nangyari sakin. Maging sa amin ni Mattheo, wala akong nilihim sa kanya. At natatakot akong magalit sya ngayon kay Mattheo, ayaw ko nang gulo.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang mga naguguluhang tingin nang iba pang taong narito.

"Uhhmm, let's go to the board room?" Alanganin na tanong ni Katelyn.

"Rude, they not done talking, ehh..." Maarteng sabi ni Karen.

Karen's wearing a black off shoulder jumpsuit. She looks so hot and beautiful. Hindi mo aakalaing may anak sya.

And I'm wearing a black premium cropped suit trousers. Maikli na din ang buhok ko, hanggang balikat na lang ang haba nito. Nagpakulay din ako nang light brown. Sabi ni Karen, mas nagmuka daw akong matangkad dahil sa buhok ko.

While Stanley is wearing a black button down inner longsleve shirt. Well, ngayon ko lang napansin na pare-pareho pala kaming nakaitim.

Our meeting ended. Naglabasan na lahat nang tao dito sa board room. Kaming lima nalang ang natitira. Hindi ko alam kung ako pang ba ang nakakaramdam nang awkward dito, dahil parang wala lang sa apat na kasama ko! Si Katelyn na seryoso lang ang muka. At Si Karen na hindi matanggal ang ngisi at nanunuyang tingin. Si Stanley at Mattheo na parehas nakatiim ang panga. At ako na nasa gitna nilang apat na pilit itinatago ang emosyon ko!

MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon