Nasa lobby na kami ngayon. Mattheo and I were ready to leave. Maaga kaming tutulak pa Pasay dahil traffic. Mamaya pa naman talaga ang flight namen pero para hindi kami ma-late, maaga kami na aalis.
Ginising nila ako pagkatapos ng party. Hinanap daw nila ako kagabi. Ang paalam ko lang kasi ay sa comfort room ang punta ko. Pero dahil sa antok ay hindi ko na sila pinansin.
Nang ginising nila ako kanina ay sinermunan pa ulit nila ako, hanggang sa pagkain namin. Na kesyo dapat daw ay sabay kami umakyat ni Matt, dapat din daw magkasama kami sa pag-tulog.
Our guests are prepared to send us off. Medyo nakakahiya nga dahil pati iyun ay panonoorin nila. Hindi naman sila obliged pero dahil ihahatid kami ng Family, relatives and friends namin ay nakisali na 'rin sila.
I kissed and hug my brothers. My parents was there watching us intently. Nilapitan na rin ako nang ibang mga kamag-anak ko. Maging ang mga kaibigan ko ay lumapit na 'rin sakin. Halos lahat sila ay seryoso ang mga muka. Na para bang nakikisimpatya lang sila sakin, dahil alam nilang napipilitan lang ako.
Hinahanap ng mata ko si Mattheo. Dahil nga magkaiba kami ng kwarto, na hindi dapat. Ngayon lang ulit kami magkikita pagkatapos ko silang iwan kagabi. Pero hindi ko siya nakita, baka wala pa.
Naghintay ako saglit. When everyone is busy talking about their itineraries for today. I decided to walk to see where Mattheo is.
Huminto ako nang natanaw ko na sya papalapit samin. Sinalubong kaagad sya ng grandparents and friends nya. Tinanong nila kung ba't ang tagal nyang bumaba.
Dahil nga nag-uusap pa sila, at mukhang matatagalan. Naglakad na ako palayo. Pumunta ako sa mga magulang ko. Niyakap kaagad ako ni Mama.
"Enjoy your vacation." Si Papa, s'ya naman 'yung niyakap ko.
"Just Vacation not honeymoon, k?" Si Mama.
"Of course," agaran na sagot ko.
Niyakap naman ulit nila ako. Ito ang dahilan kung bakit lahat ng utos nila ay agad kung sinusunod. Kahit na labag sa akin. Dahil nakikita ko silang masaya sa bawat pagsunod ko. At 'yon ang importante sa'kin.
Nagpaalam na din ako sa lahat. Pumasok na ako sa van at kalaunan ay sumunod na si Mattheo. I put my airpods on my ears to listen to music. Dahil inaantok pa rin ako, hindi ko muna papansinin si Matt. Nilingon ako ni Mattheo kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko. Wala naman kaming paguusapan at hindi din naman kami close. Kaya natulog na lang ako sa byahe.
This is our first time travel together. Not that it doesn't matter. Sa ilang linggo naming pagkakakilala, ngayon lang kami magsasama ng kaming dalawa lang, malayo pa kami sa pamilya namin.
Siguro kapag nasa Palawan na kami, 'don 'ko nalang sya kikilalanin, kung pwede lang ay makikipag-close ako, makikipagkaibigan.
Kahit maging kaibigan ko lang sya, okay na ako don. Kahit 'yun nalang ang turingan namin sa isa't isa. Dahil nga kasal na kami, palagi na kaming magkasama, ang pangit naman kung hindi kami magpapansinan palagi at hindi kami kumportable sa isa't isa.
We booked a private island in Palawan, ang alam ko. His grandparents and my parents already settled everything. Of course, my mother always wants what is best for me. That's why I love her very much.
I haven't been to Palawan, I don't know what will happen but I don't think about that much and just remained relaxed the whole time.
Nang nakarating na kami sa airport, may agad na sumalubong at umasikaso samin. Dinala niya kami sa VIP lounge at doon nagpalipas. Kumain kami ng merienda. Donut at Milk tea ang kinakain ko, samantalang si Mattheo naman ay nag kape lang. I kept on scrolling on my phone while eating. While Mattheo is also busy with his phone while drinking his coffee.
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]
General FictionUnexpected series #1 Zeatrice is living a life just like a peaceful ocean together with her family and friends. She is the kind of girl who always prioritizes her loved ones more than herself. Pero ang mapayapa niyang buhay ay biglang nagbago ng ip...