"Dito ka 'rin nag-aaral di'ba?" Tanong ko kay Mattheo habang nililibot ko 'yung paningin ko sa buong University.
"Yeah.." Aniya habang nakatingin sa phone nya.
"San dito 'yung guidance?" Tanong ko sabay libot ng paningin. Para makapag-enroll na ko, I heard kailangan din daw mag-exam eh.
Inangat nya 'yung ulo nya para matingnan pero agad din nyang binaba at binalingan ang phone nya. Tumikhim muna sya at tinago 'yung phone nya.
Tumingin naman sya sa muka ko ng nakanguso. Ngumuso sya para pigilan 'yung ngiti nya.
"What are you? A grade school student?" Mahina syang natawa. Pero halata naman na gusto na nyang tumawa ng malakas.
Mabilis naman na tumaas ang kilay ko dahil don. "Ano—" naputol ang sinasabi ko ng may mga tumawag sa pangalan nya.
Sabay naman kaming napalingon don. Papalapit na samin 'yung mga kaibigan nya. Sila 'yung mga umattend ng kasal. Kaya lang limot ko na 'yung ibang pangalan nila.
Nagbatian muna sila sa isa't isa. Nasa gilid lang ako ni Mattheo, nakamasid sa kanila. Nakaka-out of place ah!
"Oww, Hi, Zeatrice.." Bati ni Charlotte? 'Di ko sure!
"Um, Hi, Charlotte?" Hindi ko kasi sigurado 'yung name nya.
Nag-pout naman agad sya. "Nakalimutan mo na agad?" Kunwaring malungkot na tanong nya.
Mahina naman akong napatawa. "Hindi ah." Agad na tanggi ko. "E'di sana hindi kita tinawag na, Charlotte. Di'ba?" Palusot ko.
Nagkibit balikat naman sya sabay ngiti. Binati na 'rin ako ng iba pang mga kaibigan ni Mattheo.
"Una na 'ko." Paalam ko dahil busy na sila sa pag-uusap, ba'ka makaistorbo pa 'ko. Shaka ako lang 'yung first year sa kanila.
"Anong year level mo na ba, Zeatrice?" Tanong ni Katelyn.
"First year college."
Halatang nagulat naman sila sa sagot ko.
"How old are you na 'ba?" Si Sandra.
"Eighteen." Sagot ko na lalong nagpagulat sa kanila.
"Your to young pa pala." Conyo na ani Cassandra.
"Hindi halatang eighteen ka palang, your tall..." Katelyn said. I just smiled with her compliment.
"Child abuse si Matthew Azriel Montreal!" Dinig kong mapangasar na sabi ng isa sa mga kaibigan ni Mattheo.
"Shut up, Jehiro Aiden!" Dinig ko namang inis na ani Mattheo.
"Alis na 'ko.." Paalam ko uli.
"Wait.." Pigil sa'kin ni Mattheo, hinawakan pa nya 'yung braso ko. Kinantyawan naman aga sya ng mga kaibigan nya.
"Baket?"
"Alam mo na kung saan?"
"Don't worry about me. Alam ko na." Napaalam na 'ko sa kanila matapos ko sabihin 'yun.
Magtatanong-tanong nalang ako. Huminto ako ng medyo makalayo ako sa kanila. Saktong umalis sila ng lumingon ako. Bumuntong-hininga ako bago ilibot ang paningin ko sa buong University. Isa 'to sa mga sikat na University. Pero hindi ko gusto dito. Mas gusto ko kung nasaan 'yung mga kaibigan ko. Hindi ko na nga gusto tung lugar. Hindi ko pa gusto 'yung course na kukunin ko. Ano nalang ang mangyayari sa'kin? Good luck nalang self!
Pero aaminin kung magandang opportunities din 'to para sa'kin. At hindi din naman kailangan na palaging kung nasaan ang mga kaibigan mo ay nandon ka 'din. Dahil may sari-sarili kaming mga pangarap sa buhay na kailangan tuparin. Hind pwedeng palaging naka-depende lang ako palagi sa mga magulang at mga kaibigan ko. Kailangan ko 'ring tumayo sa sariling mga paa 'ko. Kailangan kung magsikap sa buhay para may marating ako. Kailangan kung lumabas sa comfort zone ko para sa marami pang opportunities na nag-hihintay sakin.
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]
General FictionUnexpected series #1 Zeatrice is living a life just like a peaceful ocean together with her family and friends. She is the kind of girl who always prioritizes her loved ones more than herself. Pero ang mapayapa niyang buhay ay biglang nagbago ng ip...