Ang sabi ko ako ang mang-iinis sa kanya. Pero bakit parang baliktad? Ako ngayon 'yung inis na inis sa kanya. Gawin ba naman ba akong tagabuhan! Like heller? Babae kaya ako!
"Ba'ka gusto mo naman akong tulungan no' sir?" Sarcastic na tanong ko.
Patay malisya naman nya kung nilingon at shaka bumaba ang tingin nya sa mga bitbit ko. "Mabigat?"Kunwaring tanong nya.
Sarcastic akong tumawa. "Hindi! Hindi sya mabigaaat! Ang gaan gaan kaya! Ikaw kaya ang pagbuhatin ko ng sampung paper bag!"
Ngumiti lang sya na halos hindi na makita ang mga mata. "Hindi naman pala mabigat eh. Kaya mo 'yan!" Aniya sabay kindat.
"Ka-" naputol ang sinasabi ko ng tumalikod at lumakad na sya paalis!
Nakanganga ko naman s'yang sinundan ng tingin. Hanep ah? Akala ko ba gentleman 'yung taong 'yun? Anyare? Pero ba'ka Naiinis ko talaga sya ng sobra! Kaya gumaganti na sya ngayon. Syempre talagang nainis 'yun! Ikaw ba naman ang ipahiya. Pero grabe naman 'yung ganti nya sa'kin! Hindi ko naman sya pinahirapan, ah?
Bumuntong-hininga at pumikit ako saglit para kalmahin ang sarili ko. Saktong pagmulat ko naman ng mata ang paglingon nya.
"Bwiset ka!" Nanggigigil na bulong ko ng tawag nya kung parang aso!
Nagpapadyak naman ako ng mga paa bago sumunod sa kanya. Nang matapos kami kumain ay nagpasama sya sa'kin na may bibilhin daw sya. Hindi ko naman alam na sobrang dami nya palang binilhin! Hindi ako na-inform! Sampung paper bag ang dala ko. May mga laman na damit nya, sapat at kung ano lang ang maisipan nyang bilhin. Hindi pa nya pinasama si Manong para may katulong akong magbuhat.
Medyo malayo ang agwat namin dahil hindi ako makalakad ng mabilis dahil sa dami ng dala ko. Samantalang halata naman na binibilisan nya 'yung paglalakad nya para iwanan ako. Bwiset sya! Makakabawi din ako sa'yo!
Huminto sya sa tapat ng isang men's store. Bored ang muka nya nakatingin sa'kin, pero halata naman sa mga mata nya na masaya sya na pinahihirapan ako ngayon.
"Faster!" Aniya na may kasama pang kumapas sa kamay nya.
Sa halip na bilisan ay huminto muna 'ko para ayusin 'yung mga pagkakahawak ko sa mga paper bags nya! Mas lalo akong naiinis nang makitang namumula na 'yung mga kamay at braso ko!
"Oh.." Bumaba ang tingin ko sa dalawang paper bag na inaabot nya sa'kin.
"Ano 'yan?"
"Paper bags!"
"Alam ko! Ang ibig kung sabihin ay anong gagawin ko dyan?!"
"Hold it for me.."
"Excuse me, Mister! Ang dami ko na kayang hawak, Oh!" Ani ko sabay taas ng magkabilang braso ko, para ipakita 'yung mga bitbit ko.
"Saglit lang..."
"Ay ayaw k-" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng biglain nalang nyang ilagay ang mga 'yun sa braso ko!
"Anu ba!" Sigaw ko pero 'di na nya ko pinansin.
Sa halip ay binuksan na nya 'yung glass door. Hinawakan nya 'yung pinto para hindi magsara at makapasok ako.
"Grabe! Napakagentleman mo naman pala, Mattheo." Namamangha kunwaring ani ko.
Mayabang nya naman akong kinindatan.
"Good day! Ma'am and Sir." Bati sa'min ng Sales lady. May tinanong naman agad si Mattheo, siguro 'yung bibilhin nya
Nilibot ko nalang ang paningin ko sa loob ng store. Hinayaan ko na sila mag-usap. Puro pang lalaki 'yung tinda dito. Syempre kaya nga Men's store eh! Minsan ang bobo mo Beatrice! Halos lahat ng mga binili namin ay mga panlalaki. Ibig bang sabihin nito...hindi sya bakla? Pero pano kung ibibigay nya sa lalake nya 'tung mga binili namin? Tama! Masyadong marami 'tung mga binili na'men kaya sure akong hindi lang para sa kanya 'to!
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]
General FictionUnexpected series #1 Zeatrice is living a life just like a peaceful ocean together with her family and friends. She is the kind of girl who always prioritizes her loved ones more than herself. Pero ang mapayapa niyang buhay ay biglang nagbago ng ip...