=1=

4.5K 60 0
                                    

I smiled at the cameras surrounding my parents and me. Nasa bahay kami, katatapos lang nang graduation ceremony ko, bilang senior high student.

Nandito ang ilan sa mga kamag-anak namin at may ilang bisita rin ang mga magulang ko. Nagniningningang mga mata at halos mapunit ang labi ko sa pagkakangiti habang pinagmamasdan ang mga magulang ko na ipinagmamalaki ako. Isa ito sa mga pinaghuhugutan ko ng inspirasyon sa pag-aaral. Sa susunod na taon ay college na 'ko, mas lalo ko pang pagbubutihin.

"Flight attendant po," sagot ko ng tanungin nila ako kung ano ang gusto kong course.

Matangkad ako kaya walang problema 'yon. Gusto ko rin na makapunta sa iba't ibang bansa. Palagi nalang kasi akong nandito sa bahay namin. Ang mga magulang ko ay parehong sa opisina nagtratrabaho. Sakto lang ang buhay namin, masaya at kuntento na ako sa ganito.

"Let's take a picture!" Ngumiti ako at nakisali sa kanila.

Isang linggo na ang nakalipas nang ako ay grumaduate. Gumala kami ng mga kaibigan ko ngayon para makapag-relax sa stress at pagod na idinulot noong may pasok pa.Umupo ako sa may semento, nandito kami sa may seaside. Dahil nga summer na, at hapon ngayon, maganda ang araw.

Nakikita namin ang araw habang ito ay unti-unting lumulubog. Napakaganda ng kalangitan. Ang mga ulap na nagkukulay kahel dahil sa araw.

Ginalaw ko ang mga paa ko, kasabay ng paggalaw ng tubig dagat. Medyo malayo ang tubig dahil kailangan pang bumaba sa mga batuhan. Kaya lang madulas ito at matutulis, kaya wala ring nagtatangka na bumaba pa.

Lahat aynakukuntento na, na marinig ang alon ng tubig at malanghap ang hangin. At matanaw mula sa kinauupuan namin ang malawak na karagatan. May mga bangka rin na nagmimistulang maliit dahil sa sobrang layo na nito.

Nang mag-ala sais na ay umuwi na kami. Sa may Philtranco ay bumaba kami at kumain ng hapunan sa isang sikat na fastfood.

"Picnic tayo next week," sabi ni Patricia, isa sa mga kaibigan 'ko. Pumayag kaming lahat, dahil minsan lang ito.

Pag-uwi ko ay saktong kumakain na sila kaya nakisabay ako. Kumunot ang noo ko sa pagtataka dahil ang tahimik ng mga magulang ko. Hindi sila makatingin sa 'kin. At ang higit na pinagtataka ko ay hindi man lang nila ako tinanong o kinamusta sa pinuntahan 'ko.

Hindi ko nalang pinansin 'yon, dahil baka may problema lang sila sa trabaho. Naghugas ako ng mga plato at nag-half bath, bago natulog.

Kinabukasan ay may naririnig akong ingay sa baba. I looked at my clock and pouted when I see the time. Eight in the morning palang, pero parang may mga tao nasa baba.

Tiningnan ko muna ang mga kapatid ko sa kabilang kwarto. Tumaas ang dalawang kilay ko nang makitang wala na sila roon.

Kung ganon, ako ang nahuling nagising ngayon. Dahan-dahan akong bumaba para tingnan kung anong meron sa baba.

Sumilip muna ako sa hagdanan, may mga bisita na nga. Bumalik ako sa kwarto ko para mag-ayos. Dahil papagalitan ako ni Mama kapag bumaba ako na ganito ang ayos ko.

MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon