=21=

1.3K 37 1
                                    

"Wife? Are you okay? Kanina ka pa tahimik." Taong agad ni Mattheo pagkapasok namin sa condo.

Bumuntong-hininga ako at umupo sa sofa. Umupo din sya habang nakatingin sakin. Kanina pa kasi ako tahimik at hindi nagsasalita. Ganon din naman sya, ngayon lang sya nagtanong.

"Wala..." Nginitian ko sya.

Pero halatang hindi sya naniwala sa sinabi ko. "You can tell it to me..."

Ngumiti ako. "Wala nga."

Ayaw ko munang sabihin dahil hindi pa naman ako sigurado sa kung ano 'yung hinala ko. Hindi ko naman kailangan magpadalos-dalos.

Hinawakan nya 'yung kamay ko at seryoso akong tiningnan. "C'mon, I won't buy your 'Wala lang' excuses.

"Baket naman?" Tinitigan ko sya sa mata.

"Kilala na kita..."

Mahina akong tumawa. "Kilala?"

He sighed. "Pinapaikot-ikot mo ang usapan natin."

"Don't worry. Sasabihin ko din sayo pag...sigurado na ko..." Ngumisi ako.

Nag nod naman sya at ngumiti na din. "Alright. I respect your decision. But I always open ears to you, K?" Hinaplos nya 'yung pisngi ko.

Mag sasalita pa sana ako kaya lang may biglang dumating si Manang. Sabay kami ni Mattheo na napaangat nang tingin sa kanya.

"Andito na pala kayo. Tamang tama at magluluto na ako para sa hapunan. May gusto ba kayong ipaluto?"

Sabay kaming umiling ni Mat-mat. "Wala, Manang. Kayo na po ang bahala."

Nag nod si Manang at dumiretso na sa kusina. Tumayo na din kami ni Mattheo at pumunta sa kwarto namin para makaligo at magpalit nang damit.

"Do you have plans with your friends this coming valentine's?"

Natigil ang tangka kung magsubo at umaangat ang tingin ko kay Mat-mat dahil sa tanong nya. Andito na kami sa dinning area at kumakain nang bigla s'yang magtanong.

"Sabi nila meron daw, eh. Di ko sure." Kibit balikat ko at kumain ulit.

"So..how about our date? If you have plans with your friends..." Ngumuso sya.

Uminom ako ng tubig bago sya sagutin. Hindi naman matanggal ang pagtitig nya sakin. "So...you want me to cancel?"

Ngumisi sya. "Cancel, what?" Taas kilay nya.

Ngumisi din ako. "Pwede naman tayo sa umaga hanggang tanghali mag date. Thus, hapon hanggang gabi date namin ng mga kaibigan ko."

Hindi pwedeng hindi ko sila siputin dahil magtatampo sila sakin. At hindi ko din gustong hindi sumipot dahil minsan na lang kami magkumpleto na magkakasama, madalas kapag may mga celebration lang.

"Okey. May plano din kasi ata sila Jehiro sa gabi." Kibit balikat nya at kumain ulit. Hindi ko naman mapigilan na wag ngumiti dahil natutuwa ako na hindi sya tulad ng iba na pagbabawalan akong makipag kita sa mga kaibigan ko. Well, ganon din naman ako sa kanya. Kwits lang kami.

Pero unti-unti ko s'yang pinanliitan ng mga mata. "Si Jehiro ang nagplano?"

Mahina s'yang natawa sa tinanong ko. "Pati si Karen..."

Napangiwi ako. "Ano naman kayang plano 'yun?" Medyo wala akong tiwala sa dalawa. Iba 'yung feeling ko sa plano nila dahil sigurado akong puro kalokohan lang 'yun.

Humalakhak sya. "Dunno." Kibit balikat nya. "Thus, Sunday pupunta tayo sa mansyon."

Nag nod ako sa kanya at kumain na ulit, ganon din naman sya. Tuwing linggo ay pumupunta kami sa mansyon nila para bisitahin ang family ko at grandparents nya, do'n na din kasi nakatira sila Mama. Well, so far sa mag four years na kasal kami ni Mattheo okay naman na kami ng Parents ko. Basta susunod ako sa kanila parehas, pero okay naman ako do'n. Sa mga kapatid ko naman ay kapag hindi ako bust palagi ko silang binibisita, malalaki na sila. Ang bilis nang panahon. Ang lalaki na ng mga baby brothers ko. Mas okay naman 'yung samahan namin ng grandparents ni Mattheo dahil apo na din ang turing nila sakin pati na din sa mga kapatid ko. Mabait sakin sila Mamita. Masaya ko dahil kahit na madaming problema nandyan sila palagi sa tabi ko—tabi namin ni Mattheo. Sila ang lakas at kahinaan ko.

MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon