=18=

1.6K 37 0
                                    

"Ayos ka lang ba talaga?"

Umayos ako ng pagkakasandal sa balikat nya at marahan na pumikit. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses nya na 'yang tinanong sa'kin.

Andito kami sa may balcony ng sala. Pareho kaming nakaupo sa lapag at dinadama ang payapang gabi.

"Hoy! Ayos ka lang ba?!" Ginalaw nya 'yung balikat nya kung saan ako nakasandal pero hindi ko sya pinansin.

"Woiy! Tinatanong kita, ba't 'di ka nasagot?! Tulog ka na ba?!"

Minulat ko ang mga mata ko at umalis sa pagkakasandal sa balikat nya para maharap sya ng maayos. Mahina akong natawa ng makita kung lukot ang muka nya dahil sa inis.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?! Tinatanong kita ng maayos. Kung okay ka lang ba?!"

Sumandal uli ako sa balikat nya bago sumagot. "Buti ka pa, unlimited. Hindi katulad ng load ko."

Nagulat ako ng itulak nya ko na halos ikatumba ko! "Ano ba?!" Inis ko s'yang ginantihan.

"Bwiset ka! Tinatanong kasi kita ng maayos!" Halos sabunutan nya na ko sa sobrang pagkainis.

Bumuntong-hininga ako at tumingala sa langit. Napangiti ako ng makita ko na naman ang napakagandang buwan at napakaraming kumikinang na mga bituin.

"Wala naman tayong...ibang choice...kundi ang maging okay." Mabagal ko 'yung sinabi. "Kahit na hindi...naman talaga...sasabihin nalang natin sa mga nagtatanong satin...na okay lang tayo. Hindi ba Aliah?" Lumingon ako sa kanya pagkatanong ko sa kanya.

Malungkot naman s'yang ngumiti. "Bakit nga kaya?"

Umayos ako ng pagkakasandal at muling tumingala. "Dahil ayaw na nating madugtungan pa ang tanong nila. Ayaw nating magkwento sa iba, kung ano ang mga problema natin. Dahil hanggat kaya natin, itatago at isasarili lang natin ang problema natin."

Narinig ko namang bumuntong-hininga sya. "Ayaw din nating mag-alala pa satin ang mga taong importante satin. Ayaw din nating mahusgahan tayo ng ibang tao...dahil lang do'n."

Napangiti ako sa sinabi nya. "Mature na sya~" kiniliti ko sya kaya halos mapatalon sya sa gulat.

Agad nya naman akong hinampas para patigilin. "Ang ganda mo talaga kausap, no?"

Mahina akong tumawa. "Masyado kasi tayong seryoso, baka tumanda tayo ng maaga."

"Pero seryoso. Ayos ka lang ba?" Sya naman ang sumandal sa balikat ko. "Yung totoo, ah."

Bumuntong-hininga muna ko bago mag-salita. "Sa totoo lang...hindi ko alam." Mahina akong natawa. "Kasi minsan sa sobrang pagpapanggap natin, hindi na natin alam kung ano ba ang totoong nararamdaman natin."

"Kaya nga magkwento ka." Tinapik nya 'yung hita ko.

"Ikaw muna..." Umayos ako ng upo para makita sya ng maayos. "Alam kung may problema ka din."

Nag-pout sya bago humiga sa hita ko. "Alam mo namang halos same lang tayo ng problema." Umayos sya ng pagkakahiga.

"Alam mo, kaya tayo napagkakamalan. Masyado kang clingy." Pintik ko sya sa noo.

Umirap naman sya dahil sa sinabi ko. "Marami kasing tao ang ma-issue! Alam mo bang kinilabutan ako ng may nagtanong kung tomboy daw ba ako? At mas malala pa napagkamalan na tayo." Umiling sya. "Like, duh! Sa ganda kung 'to!" Tinuro nya 'yung muka nya. "Tapos papatol ako sayo? Lugi ata ako, ah!" Nginisian nya ko, nangaasar.

Nginiwian ko sya. "Mas lalo naman ako. Anong akala nila sakin? Papatol sa unggoy na tulad mo!" Binalik ko sa kanya 'yung pang-aasar.

"Mga Iha..." Natigil kami sa pag-aasaran at sabay na tumingin kay Manang.

MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon