=3=

2.5K 54 0
                                    

"Zeatrice!" Halos madapa ako sa pagmamadalingb umaba sa hagdanan namin dahil sa sigaw ni Mama.

Ngayon ang araw na aalis kami rito sa bahay para pumunta kung saan gaganapin ang napagkasunduang kasal, sa Batangas.

"Napakatagal mo naman!" Inirapan ako ni Mama at lumabas. Ako nalang ang nandito sa loob, nasa van na sila nakasakay.

Masisisi ba nila 'ko, kung ang bigat sa loob kong kumilos. Sila lang naman ang may gusto nito.

Habang nasa byahe ay tahimik at nakatingin lang ako sa bawat nadaraanan namin. My brothers are busy playing on their iPad and my parents are also busy with their phone calls

Ni hindi ko nga namalayan na nakarating na kami sa resort. Unang bumaba sila Mama, bago kami sumunod. Bumungad sa 'min sila Mamita at Lolo, nasa likod nila si Mattheo. Hilaw ang ngiti na ibinigay ko sa kanila. Nagmano ako sa dalawang matanda.

Nagtagpo ang tingin namin pagkatapos kong magmano sa grandparents niya. Gaya noong una, seryoso lang ang reaksyon na nasa mukha niya. Dahil sa inis ay hindi ko napigilan ang sarili na irapan siya habang naiwas ng tingin. Kailangan pa nila akong idamay dito, nananahimik ako eh.

"Sakto ang dating n'yo! Let's eat our lunch!" Nagpamuna na ang mga Montreal sa pagpasok sa hotel.

"Sit beside Mattheo." Mariin na bulong sa 'kin ni Mama bago inakay ang mga kapatid ko papasok sa hotel.

Bumuntonghininga ako at agad na lumakad pasunod. Ang nagpapalubag loob lang sa 'kin ngayon ay ang magandang tanawin sa lugar na ito.

Mula sa nilalakaran ko ay ilang metro pa ang layo bago ang dalampasigan. May iilang mga turista na nakahiga sa sun lougers, dahil tanghali walang masyadong tao na lumalangoy. Binilisan ko ang paglalakad ko dahil dumadampi sa balat ko ang mainit na sikat nang araw.

Kay Mattheo ako tumabi, gaya nang sabi ni Mama. Habang kumakain ay ang apat na matanda lang sa lamesa ang nag-uusap.

"Iwan na muna natin si Zeatrice at Mattheo rito para makapagkilala sila sa isa't isa."

Nagulat ako nang tumayo na sila. Binigyan ko ng makahulugan na tingin ang mga magulang ko, at gano'n din sila sa 'kin.

Nakaiwas ako ng tingin habang nahigop ng buko juice. Kaming dalawa nalang ni Mattheo rito, hindi s'ya nagsasalita, kaya bakit ko s'ya kakausapin? Hindi ako ang magfi-first move, manigas s'ya r'yan.

Paulit-ulit akong bumubuntong-hininga at pinapaikot-ikot ang straw habang nakatingin sa labas. Kita ang view ng dagat dahil glass lang ang harang sa harap namin.

"Can you be quiet?"

Agad akong napabaling sa katabi dahil sa sinabi n'ya, parehong nakakunot ang noo namin habang nakatingin sa isa't isa.

"Bakit maingay ba 'ko? Ni hindi nga 'ko nagsasalita," Nginiwian ko s'ya.

MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon