=5=

2.2K 50 0
                                    

"Come here, Zea."

Lumapit ako at naki-upo sa kanilang lima. Mukhang seryoso ang usapan. Sa tuwing kakausapin nila ako ay kinakabahan talaga 'ko, para kasing may ipapagawa na naman sila sa aking, labag sa loob ko.

"Bakit po?" I asked.

"Hija, mukha kasing naguguluhan ka pa rin. Your mother talked to us, na palagi ka na raw tulala." Hinawakan ni Mamita ang kamay ko, gulat naman akong nag-angat ng tingin sa kanila.

"Zeatrice. We all known na nabigla ka. Pero alam kong, magiging maayos ang kakalabasan nang kasal n'yo ni Mattheo." Saad ni Lolo. "Mas magiging maganda rin ang samahan ng pamilya natin."

"They're both right, Zea." makahulugan ang tingin ni Mama. "Para rin makabayad tayo nga, ng utang na loob natin sa kanila. As you can see, Mattheo's grandparent is old. They both can't handle the company."

I nodded at what they all say. I want to to open my mouth to speak, but my lip seemed to stick and it didn't want to open. And every word I say seems to get stuck in my throat.

Gusto kong itanong kung sino 'yong babae kanina? Mukhang 'yon ang girlfriend ni Mattheo, pero nagtataka rin ako sa babae. Kung talaga ngang mahal nila ang isa't isa, dapat ipaglaban nila.

Palihim akong bumuntonghininga. Bawat araw na tumatakbo, mas lalong nadadagdagan ang mga isipin ko. Dahil dalawang araw nalang kasal na namin. Hinayaan muna kami ni Mattheo makasama ang mga kaibigan namin. Sa may harap kami ng dalampasigan kumakain ngayon ng almusal.

"Nag-aalala kami sa'yo, Zea." Patricia said.

I smiled. "I'm okay,"

"But you're not happy."

"Of course, I am, because you all here."

"That's not what we mean." Ashley rolled her eyes. "Magdesisyon ka naman para sa sarili mo."

"Kumain nalang tayo. Magandang bakasyon 'to, 'di ba? Napakapresko ng lugar." I changed our topic.

Sa bawat desisyon na ginawa ko, hindi lang sarili ko ang dapat na isipin ko, it's not about my happiness, it's all about what my love ones happiness for me.

Habang nakain ay nahagip ng mga mata ko si Mattheo na dumaan papunta s'ya sa dagat, kasunod n'ya si Stacey.

Ngumuso ako sa paghanga sa katawan n'ya, naka-two piece swimsuit s'ya, ang ganda sobra ng hubog ng katawan n'ya. Bumagay ang kulay maroon sa kulay gatas n'yang katawan. Si Mattheo naman ay nakasando at board shorts.

"Tapos mukhang may sabit pa." Umiling at nginiwian ako ni Patricia.

"Mukhang malandi 'yong babae," saad ni Ashley.

Hindi ko nalang sila tiningnan dahil baka mahuli na naman ako. Pero kakausapin ko mamaya si Mattheo, kung sino ang babae na 'yon. At kung girlfriend nga n'ya talaga, may plano ako para sa aming tatlo.

MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon