=35=

1.8K 34 3
                                    

Napatitig ako kay Mattheo. Hindi ko alam kung ano ang tamang ipakitang reaksyon sa sinabi nya. Natutuwa ako at parang may kung anong humaplos sa puso ko.

He's right, walang sino man ang nagmamay-ari sa'kin maliban sa sarili ko.

Pero hindi ako pwedeng kumapi sa isa sa kanila ni Stanley. Kailangan nasa gitna lang ako palagi, ayaw kung ma-away silang dalawa at magkagulo.

"And what do you mean by that?" Mariing tanong ni Stanley. "You already have a fiance, ryt? Why are still flirting with, Zeatrice?"

Mattheo laughed. We all looked at him, confused. Sya lang itong natawa kahit wala namang nakakatawa! Mas lalo tuloy nairita sa kanya si Stanley.

"Why would I flirt with My Wife?." May diin 'yung tawag nya sa'kin.

"Actually, I agree with Stanley. Mr. Montreal." Taas kilay na ani ko. "You already have fiance, right?

He smirked at me. "Fiance...?"

Tiningnan ko si Katelyn na tahimik lang nakaupo. Ano bang ganap nya dyan? Bakit hindi nya pigilan si Mattheo? Dati naman para s'yang linta kung makadikit, ah?

"I think, saka nalang kayo magusap kapag kayong apat nalang..." Seryosong singit ni Jehiro.

"I'm Zeatrice, Lawyer..." Pagpapakilala ni Rea. "And I think you should just talk about that properly ... "

"Alright, well. Ako naman ang magdedesisyon, kung saan at kailan..." Sabi ni Mattheo habang nakatitig sa mga mata ko kaya umiwas ako nang tingin.

"Tapos na? Alis na tayo..." Lahat kami napalingon kay Kiana dahil sa biglaan nitong pagsasalita. Agad namang namula ang pisngi nya at halos magtago na sa likod ni Rea dahil sa hiya.

"Aalis na agad kayo? Kumain muna tayo..." Sabi ni Charlotte.

"Tsk...let them leave Charlotte." Seryosong sabi ni Jehiro. "Dyan naman ka---kayo magaling, ang umalis..."

"Yeah, they are good at leaving people..." Mattheo said in a sarcastic tone.

Nanliit ang mga mata ko dahil may laman 'yung sinabi nila.

Sa huli ay lumipat kaming magkakaibigan sa ibang restaurant, dahil hindi naman lahat makayanan ang awkward atmosphere kapag magkakasama kami.

Habang nagdidinner ay parang nalimutan namin 'yung nangyari kanina at napuno nang kwentuhan at tawanan, although medyo ilang sila kay Stanley dahil medyo matanda 'to sa'min kaya nakaka-intimidate.

Our dinner ended. Pauwi na kaming lahat ngayon, hindi sila pwedeng magtagal dahil may mga trabaho pa sila bukas.

"Kelan ulit tayo makukumpleto?" Tanong ko. Nasa sasakyan na si Stanley. Iniwan nya muna kaming magkakaibigan para makapagusap.

"Maybe this weekend, may flight kaming tatlo bukas..." Sabi ni Kathryn.

Tumango naman si Andrea at Kiana. "Ikaw kailan ang lipad mo,?"

"Maybe next month?" I pursed my lips. "May mga kailangan pa kung ayusin..."

They all nodded.

"Yung pasalubong nyo sa weekend ko nalang din, iibigay..." I smirked.

Umirap lang sila. "Pwede naman bukas? Ipadala mo nalang..." Hirit ni Patrice.

"Sa weekend..." Niyakap ko na sila para makauwi na.

"Good night, I love you..." Stanley kissed my forehead.

I smiled. "Good night, Stan. Love you..." Ani ko at tumalikod sa kanya.

MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon