"Wife..."
Napangiti ako at lumingon sa kanya dahil sa tawag nya. Medyo nauna kasing akong maglakad sa kanya.
"Baket?"
"Let's eat first." Huminto sya sa paglalakad kaya napahinto din ako.
"Sige. Sa'n mo ba gusto? Hindi pa nga tayo naglunch."
"Ikaw na bahala." Nagkibit balikat sya.
"Okeeyy..." Hinila ko sya kung saan ko gusto kumain.
Andito kami ni Mattheo sa isang mall. Sa Books store talaga dapat ang punta namin kaya lang nagyaya s'yang kumain muna.
Halos four years na ang nakalipas at mula nung gabi 'yun, masasabi ko na nagbago na kung ano man 'yung namamagitan samin. Tinutoo nya 'yung sinabi nya na tunay na asawa na nga ang ituturing nya sakin. Mas naging malapit kami sa isa't isa.
"Ayos na ba 'yan sayo?" Tanong nya pagkadating ng inorder namin.
Pinagtaasan ko sya ng kilay. "Ba't, anong akala mo sakin? Matakaw?"
Inosente naman nya kung tiningnan. "Ba't hindi ba?"
Inirapan ko nalang sya at di na pinatulan. Kung may bagay man na hindi nagbago samin, 'yun 'yung palagi naming asaran sa isa't isa. Hindi din kasi sya nagpapatalo! Palaging may sagot!
Nagpatuloy na kami sa pag-kain. Paminsan-minsan ay naguusap din kami. Nagpahinga muna kami saglit pagkatapos kumain bago lumabas para dumiretso sa books store.
Nauuna pa din akong maglakad sami'ng dalawa. Nakasunod lang sakin si Mattheo at hinahayaan ako na tumingin-tingin ng bibilhin ko. I have to buy some things. Marami rami din akong gagawin dahil graduating na. I remember when I was I'm first and second year of college, I almost gave up because I was so tired, I can't take all the projects anymore that had given to us.
Idagdag pa na hindi ko gusto ang course na 'to, pati na din nakakapanibago ang environment dahil hindi ko kasama ang mga kaibigan ko.
But one thing I learned is that, all the sweats, tears and sleepless nights I've experience just to make some things done, is worth it. If were some having hard times, take a deep breathe and pause but continue. If we want to give up, learn to say no to yourself and remember the reason why you started it. Don't pressure yourself and just put in mind that every hardships have an ending.
Kaya ngayong nakatungtong na sa pinakahuli, h'wag nang sumuko kahit gaano pa kahirap.
Andito din si Mattheo palagi sa tabi ko. Isa don sya sa mga naging sandigan ko, tuwing nagrereklamo ko, nakikinig lang sya sakin at pagkatapos saka sya mag-a-advace sakin na kaya ko 'to.
Pagpasok namin sa books store, dumiretso kaagad ako sa mga school supplies. Halos lahat na ata ng mga kulay ng cartolina ay binili ko Papers, markers, highlighters, pens and many more!
"Wala kang bibilhin?" Nilingon ko sya nang mabili ko na lahat ng gusto ko.
Tumango lang naman sya at pumunta na kami sa may cashier para makapagbayad na.
"Gusto mo bang tulungan kita?" Tanong nya pagkadating namin sa condo.
"Tulungan saan?" Sabi ko at umupo sa sofa.
Bumuntong-hininga sya. "Sa mga gagawin mo." Nilapag nya muna sa gilid 'yung mga pinamili namin, sya pang kasi 'yung nagbitbit lahat non.
Umiling ako. "Hindi na. Alam ko namang madami ka ding gagawin eh."
Graduating na din kasi sya. Pero dapat talaga two years ago na s'yang graduation. Eh, gusto nyang sumabay pa sakin. Kaya nag take pa sya ng masteral, kaya add two years pa tuloy sya.
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]
General FictionUnexpected series #1 Zeatrice is living a life just like a peaceful ocean together with her family and friends. She is the kind of girl who always prioritizes her loved ones more than herself. Pero ang mapayapa niyang buhay ay biglang nagbago ng ip...