Nakadapa ang katawan ko at nakasobsob ang muka ko sa kama. Kanina pa 'ko nag-isip kung pano makakaganti sa kanya. Pero magiisang oras na ata akong nakadapa at nag-isip ay wala pa 'rin! Dumagdag pa 'yung sakit sa puson ko! Kaya mas lalong umiinit ang ulo ko!
Umalis ako sa pagkakadapa at namaluktot na parang sanggol.
"Mattheo.." Tawag pansin ko sa kanya.
Nakaupo kasi sya sa may sofa, nakaharap sa phone nya.
"Mat~theo~" Naging tunog kambing 'yung boses ko.
Nilingon naman nya ko ng nakataas ang kilay.
"Kuha ka naman ng mainit na tubig."
Nilapag nya naman sa may coffee table 'yung phone nya bago sya tumayo at lumapit sa may paanan ng kama.
"Baket?" Takang tanong nya habang pinagmamasdan ako.
"Basta! Please!" Sabi at nagtago sa ilalim ng comforter.
Narinig ko naman s'yang bumuntong-hininga bago lumakad palabas ng kwarto.
"Hey.." Nagulat ako ng bigla nalang nyang alisin 'yung comforter sa katawan ko.
Hindi ko napansin na nakabalik na pala sya. Ang bilis ah?
"Here.." Inabot nya na sakin 'yung tubig.
Umupo naman ako sa kama at ininom ko naman agad 'yun at halos maibuga ko 'yung tubig na nasa bibig ko. Ang init naman masyado nito!
"Ang init naman!" Binalik ko sa kanya 'yung baso.
Kumunot naman ang noo nya dahil don. "Ang sabi mo, kumuha ako ng mainit. Tapos..." Puno ng pag-tataka ang muka nya habang sinasabi 'yun.
"Maligamgam ang sabi ko!" Inis na ani ko.
Nalukot ang muka nya sa inis. "Ang sabi mo mainit!" Iritadong aniya.
"Maligamgam nga! Ikaw kaya ang painomin ko ng mainit?!"
"You know what..."
Inirapan ko sya. "Ikuha mo ko ulit." Hindi ko pinansin ang sinasabi nya.
Humalukipkip naman sya sa harap ko. "Hindi mo ba kayang kumuha?"
"Masakit ang puson ko! Kaya bilisan ko." Masungit na sabi ko at sumandal sa headboard ng kama.
"Wow! Just wow!" Sarcastic na aniya bago lumabas ng kwarto.
Napahagikhik naman ako. Nawala ata 'yung sakit ng puson ko do'n ah? Mukang alam ko na kung pano ako makakaganti sa kanya!
Umayos naman ako ng pagkakasandal sa headboard. Ilang sandali pa ay dumating na sya. Suplado ang muka nya, halatang napipilitan s'yang sundin 'yung utos ko.
Ngumuso ako para pigilan 'yung ngiti ko. Humanda ka sakin, Beking Mat-mat!
Nang iaabot na nya sana sakin 'yun ay agad akong umiling. "Nagugutom na 'ko.."
Bumuga naman sya ng hangin bago ilapag 'yung baso ng tubig sa gilid ng kama. "Pakealam ko kung gutom ka?" Supladong tanong nya.
Ngumuso naman ako, nagpapaawa. Sana nga lang tumalab. "Kuha mo 'ko."
"May mga paa at kamay ka, wala kang sakit. Kayang-kaya mong kumuha magisa." Masungit na aniya.
"Masakit ang puson ko.." Hinawakan ko naman 'yung part na 'yun, umarte akong nasasaktan.
"Sige na.." Pinagdikit ko ang dalawang palad ko at inangat 'yun para itapat sa muka nya.
"Fine!" Sinuklay nya pa ang buhok nya gamit ang mga daliri nya.
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]
General FictionUnexpected series #1 Zeatrice is living a life just like a peaceful ocean together with her family and friends. She is the kind of girl who always prioritizes her loved ones more than herself. Pero ang mapayapa niyang buhay ay biglang nagbago ng ip...