=14=

1.7K 32 0
                                    

"Grabe talaga 'yung sagutan nyo kanina!" Natatawang ani Charlotte.

"Kulang na nga lang popcorn eh!" Si Katelyn.

"Kasalanan nya 'yun. Sya ang nauna eh." Nakanguso na ani ko.

Andito pa 'rin kami nakaupo sa may sofa. Kinakain na namen 'yung meryenda na hinanda ni Manang.

"I really like you, Zeatrice. Can we be friends?" Nakangiti na tanong ni Sandra.

"Kaya nga, But don't worry. We're not plastik like Karen naman." Si Cassandra.

"Oo naman, hindi nyo na man kailangan pang magtanong. Friends?" Nakangiting tanong ko sa mga girls.

"Friends!" Sabay sabay na sigaw ng girls.

"How about us?" Tanong ng isang lalaking kaibigan ni Mattheo.

"Pwede ba namen na maging kaibigan ang asawa ni Mattheo?"

"Oo—" naputol ang sinasabi ko ng bigla nalang akong yakapin ni Charlotte.

Sumunod naman 'yung ibang girls "Group hug!" Sabay sabay na sigaw nila kaya napangiti nalang ako at ginantihan sila ng yakap.

Nang humiwalay sila nang yakap ay napatingin ako kay Mattheo, katabi ko pa 'din sya. Matamis naman s'yang ngumiti sa'kin.

Nawala lahat ng inis ko kanina. Ang sarap sa pakiramdam na magkaroon ng bagong mga kaibigan.

Kaya dapat hindi natin pinapansin 'yung ibang tao na may ayaw satin. Dahil mas marami pa 'rin 'yung mga taong may gusto satin at higit sa lahat ay 'yung mga taong nagmanahal sa'tin.

Pagkatapos no'n ay nagkwentuhan na kami. Masasabi kung masaya din silang kasama. Nakakatuwa lang na kahit mas madami 'yung boys ay hindi nakakailang, dahil mararamdaman mo 'yung paggalang nila sa'yo bilang babae.

Natigil ang pagtawa naman ng biglang bumukas 'yung pintuan ng isang guestroom namin.

Nagulat ako ng lumabas do'n si Jehiro, kasunod nya si Karen. Taka ko silang sinundan ng tingin hanggang sa makaupo sila.

Pinagmasdan ko si Karen. Parang nawala ata 'yung lipstick nya at bakit ang gulo ng buhok nila pareho? Naramdaman nya siguro ang pagtitig ko sa kanya kaya nag-angat sya ng tingin sakin. Pinagtaasan ng kilay. Binigyan ko naman sya ng nagtatanong na tingin.

Anong ginawa nila do'n? Akala ko umalis na sila?

Pero sa halip na sagutin ako o mag-salita ay inirapan nya lang ako at nagiwas ng tingin.

Aba't talagang! Inuumpisahan na naman ako nito ah!

Gumanti din ako ng irap sa kanya. Si Jehiro naman ngayon ang binalingan ko ng tingin. Medyo may kusot kasi 'yung damit nya. Pawisan din sya at magulo ang buhok nya. Nanliit 'yung mata ko ng may makita akong lipstick sa labi nya.

Hindi kaya? Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. Hindi kaya bakla din sya? O ba'ka naman lahat silang magkakaibigan ay bakla?!

"Jehiro.." Lahat naman sila napatingin sa'kin.

Lahat kayo si Jehiro?

"Baket?" Takang tanong nya habang inaayos 'yung buhok nya.

"May lips ka.." Tinuro ko 'yung part ng labi nya na may kulay red.

Bahagya naman s'yang napaubo dahil sa sinabi ko. Nagsipag-tikhim naman 'yung mga boys. Napalingon ako kay Mattheo ng nakataas ang kilay, nagtataka.

Lalong tumaas ang kilay ko ng umiwas din si Mattheo ng tingin. Humarap sya kay Jehiro at matalim ang tingin nya dito.

"Brad.." Umiling naman sya habang natatawa.

MY UNEXPECTED MARRIAGE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon