CHAPTER 18

191 15 0
                                    

Darimn POV

Nagsilabasan na ang seniors sa Dimensional Dome. Ang ilan sa kanila ay nawalan na ng damit, may mga dahon sa mga buhok, madudungis. Ngunit ang mas nakakabahala ay ang mga sanga ng puno na tumama sa ilang seniors at mga galos at sugat nila. Tumayo ako para makita sila Dahlia at Amor.


May lumalabas sa dome na studyante na may mga tama ng galing sa powers ng tao at hindi sa creatures. Anong nangyari?


Nanlaki ang mata ko ng makita si Amor na nakahiga sa higaan ng mga malala ang natamo at buhat-buhat ng lalaking taga Tierra. Nakita ko ang kanang binti niya na may nakatusok na sanga ng puno at ang kaliwa niyang binti ay nangyeyelo.


Bakit nagyeyelo ang binti niya? May nakalaban ba siyang kapwa niya seniors?


Lumapit ako sa kinaroroonan ni Amor ng makita ko si Dahlia na akay-akay ng isang Tierra students. Hawak niya ang sarili niyang braso na parang tinamaan ng mainit ng bagay dahil para itong nasunog.


Nilapitan ko siya "Anong nangyari Dahlia" akmang kukunin ko siya sa estudyanteng akay-akay siya ng pigilan niya ako.


"Huwag, susunod ka ng mag te-test. Ayos lang kami ni Amor ikukwento ko sayo pag tapos ka na" pagsasabi niya sa akin. Tumango ako ng marahan.


"Ayos ka lang ba? Pupuntahan kita sa clinic ha?" pagtatanong ko dito.


Ngnitian niya ako "Oo ayos lang ako malayo sa bituka. Mas sanay ako dito. Magtanong tanong ka na lang sa estudyante rito kung nasaan ang clinic dahil hindi mo pa alam ang pasikot sikot dito" tumawa siya ngunit napalitan ito ng ngiwi at hinawakan niya ang brasong nagdudugo.


"Sige mukhang kailangan na itong magamot. Mag iingat ka at galingan mo. Ipakita mo na karapat dapat ka sa limang studyanteng napili" pagpapa alam nito sa akin at nagsimulang maglakad akay akay ng taga Tierra.


Sana ayos lang sila ni Amor.


Naiwan ako doon na nakatingin sa papalayong bulto ni Dahlia ng may tumabi sa akin.


"You wonder what happened inside of the Dome?" nagulat ako sa pinang galingan ng boses na iyon.


"Callie?" hindi ko makapaniwala na nandito muli siya. Tiningnan ako nito at ngumiti.


"They fight like they're enemy to each other" pagpapatuloy niya kahit hindi ako sumagot sa tanong niya. Tumingin siya sa dumadaan na nawalan ng malay.


"Naglaban-laban sila dahil mas mababawasan ang puntos mo pag nawalan ka ng malay" nasa mukha nito ang pagkamangha. Ibang klase! Hindi ito ang oras para mamangha siya sa nangyayari.


"You think they're traitor?" hinarap ako nito.


"Nah they are not. They are wise but they're mindless and heartless. Hindi nila iniisip na magkakampi silang lahat dito" sagot niya sa sarili niyang tanong. Seryoso ang pagkasabi nito na kinatigil ko.

Aeonian AcademyWhere stories live. Discover now